Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jollibee, magbubukas ng 35 tindahan sa Australia

Target ng Jollibee na magbukas ng 35 tindahan sa Australia sa loob ng limang taon, sa pagpapalawak na may tinatayang AUD60 milyong puhunan at lilikha ng humigit-kumulang 900 direktang trabaho.

Inanunsyo ni Jollibee Foods Corp. president at CEO Ernesto Tanmantiong ang plano sa pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Jollibee Biopolis sa Maynila.

Pumirma ang kompanya ng eksklusibong franchise agreements sa Happy Food Group para sa Victoria at Lucky Bee Australia para sa New South Wales.

Ayon kay Albanese, bukod sa mga empleyado ng mga restaurant, makikinabang din ang supply chain na inaasahang magdadagdag pa ng trabaho sa Australia.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Jollibee sa mga Australianong may lahing Pilipino bilang simbolo ng tagumpay ng mga Pinoy.

Mula sa maliit na negosyong ice cream sa Pilipinas, halos 2,000 tindahan na sa 17 bansa ang Jollibee brand, ayon kay Tanmantiong.

“Today, bayanihan meets mateship, united by shared belief, we are stronger together,” ani Tanmantiong. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles