Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Aircon engineers’ sa DPWH, binalaan

Labas-labas din ng de-aircon na opisina ‘pag may time.

‘Yan ang mensahe ng gobyernosa pagbabala sa mga regional director at district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na puro opisina at hindi lumalabas para inspeksyunin ang mga kalsada, tulay at iba pang imprastruktura.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking maayos at ligtas ang mga pangunahing kalsada at tulay sa buong bansa, lalo ngayong papalapit ang Christmas season at inaasahang dadagsa ang mga biyaherong uuwi sa probinsya.

Ayon kay Public Works Secretary Banoy Lopez, maaaring maharap sa administrative o disciplinary action ang mga opisyal na mapapatunayang pabaya sa kanilang tungkulin.

Binigyang-diin niyang hindi dapat maging mga “aircon engineers” ang mga opisyal na nananatili lamang sa kanilang opisina sa halip na personal na bantayan ang kondisyon ng mga imprastruktura.

Pinagsusumite rin ang mga regional director at district engineer ng buwanang monitoring report tungkol sa mga sirang kalsada at tulay sa kani-kanilang nasasakupan.

Kailangan ding tiyaking agad na nakukumpuni ang mga nasirang imprastruktura para maiwasan ang aksidente at aberya sa biyahe ng mga motorista at komyuter. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles