Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Adamson, Ateneo, tumibay ang tsansa para sa UAAP women’s basketball semis

Dinurog ng Adamson University ang University of the East, 94-77, upang palakasin ang tsansang makapasok sa semifinals ng UAAP Season 89 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Sabado.

Nagtala si Elaine Etang ng 18 puntos, anim na rebounds, anim na assists at dalawang steals upang itaas sa 7-4 ang kartada ng Lady Falcons.

Nag-ambag si Kazel Mazo ng 13 puntos, kabilang ang isang three-point shot na tuluyang nagselyo sa panalo ng Lady Falcons. Sinundan siya nina Jam Meniano na may 11 puntos at walong rebounds, at Cheska Apag na nagtala ng 10 puntos, siyam na rebounds at limang assists.

“We just take it one game at a time — 7-4 is 7-4, but we have to finish the business. We have to finish all the games before we would know kung mag-fa-Final Four,” pahayag ni Adamson coach Jed Colonia

Pinatibay din ng Ateneo de Manila University ang kampanya nito matapos mapigilan ang paghabol ng University of the Philippines sa second half para makamit ang 76-64 panalo.

Nakapaghiganti na ang Blue Eagles matapos silang matalo sa kanilang unang paghaharap, 89-82.

Nagtala si Kacey dela Rosa ng 21 puntos at 14 rebounds upang pangunahan ang Ateneo sa 5-5 kartada at ilapit ito sa Far Eastern University (6-4) na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto.

Makakaharap ng Adamson sa huling tatlong laro nito sa elimination round ang University of Santo Tomas, De La Salle University at National University.

Kapwa nagtala ng 22 puntos sina Rachel Lacayanga at Moana Vacalares para sa Lady Warriors, na bumagsak sa ilalim ng standings taglay ang 1-9 kartada.

Makakaharap ng UE ang NU sa Nobyembre 14, ganap na alas-10 ng umaga, sa Araneta Coliseum din.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles