Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Robbie Jaworski, magandang role model ng Gen-Z audience

Sa on-going edition ng PBB Collab 3 ng Kapamilya at Kapuso artists, isa si Robbie Jaworski sa mga housemates na nakakakuha ng malakas na following at paghanga mula sa mga supporters ng show at mga netizen.

Sa mga naglalabasang reels mula sa Bahay ni Kuya, kapuna=puna ang pagiging consistent ng binata sa pagpapakita ng katalinuhan, pagiging humble despite his status, mabait na kaibigan, mabuting lalaki at isang disenteng anak mayaman.

Ilan nga sa mga hinahangaan ngayon sa batang aktor na nagsimula ang karir nang pumirma ito ng artist contract sa Star Magic last year, ay ang pagiging malawak ng isipan nito.

“Grabe, ang bongga na ng face card, napaka-disente pang magsalita at matalinong mag-share ng kanyang mga alam sa buhay. Nakaka-proud lang na makapanood ng isang batang gaya niya na pinalaki ng tama ng kanyang parents, ”  ang komento ng mga netizen kay Robbie.

” May big winner na tayo. To be fair sa ibang housemates na mahuhusay din naman, iba kasi yung pagiging consistent ni Robbie sa maraming bagay. Hindi mo kailanman mapi-feel na umaarte siya o nagpapakitang gilas. Laging totoo ang mga ginagawa at sinasabi,”  dagdag pa ng iba.

Anak nina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski si Robbie at panganay ito sa tatlong magkakapatid na pulos lalaki.

Matatawag na ” nepo baby” si Robbie dahil sa pinanggalingan nitong angkan.

Ang nanay niyang si Mikee Cojuangco ay pamangkin ni dating Pangulong Cory Aquino at pinsang buo niya sina dating Pangulong Noynoy Aquino at Queen of all Media na si Kris Aquino.

Sa panig naman ng kanyang amang si Dodot na Vice Mayor ngayon sa Pasig City, apo siya ni basketball legend Robert Jaworski.

Kapwa mga nakilala sa larangan ng sports sina Mikee at Dodot.
Naging big showbiz star din si MIkee noong 90’s bukod sa pagiging top equestrian nito na nag-represent ng Pilipinas sa maraming mga torneo, mula Sea Games, hanggang Asian games at Olympics.

Naging professional basketball player naman ang tatay niyang si Dodot sa PBA, bago pa nito pasukin ang mundo ng pulitika.

Napag-alaman din nating naging training ground ni Robbie ang pagiging empleyado nito sa sariling hotel business ng family niya kaya’t sanay na sanay daw itong makihalubilo sa mga tao.

At this early nga ay hinuhulaang aabot hanggang sa huling laban ng on-going PBB edition si Robbie dahil bukod sa maganda nitong showing sa loob ng bahay ni Kuya, mahal na mahal din siya  ng mga kapwa housemates niya at higit ng mga manonood na nagsasabing napakabuti niyang bata.

“He is the perfect example of a great role model even with audience older than him. He has this kind of appeal and behavior that are so lovable and one that will be adored positively,”  segue ng marami pang iba na hangang-hanga sa ugali ni Robbie.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles