Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kita ng Petron bumagsak ng 44% sa P5.4B dahil sa mataas na presyo ng langis

Bumagsak ng 44 porsiyento sa P5.4 bilyon ang net income ng Petron Corporation sa unang siyam na buwan ng 2026, mula P9.7 bilyon noong nakaraang taon, dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo, import premiums at shipping costs sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Sa financial results nitong Martes, November 3, iniulat ng kumpanya na lumago ng 56 porsiyento sa P928.2 bilyon ang revenues dahil sa mas mataas na presyo ng petrolyo at paglaki ng sales volume.

Gayunman, bumaba ng 28 porsiyento sa P19.1 bilyon ang operating income dahil sa pagliit ng profit margins.

Umabot sa average na $92 kada bariles ang Dubai crude mula January hanggang September, mas mataas ng 29 porsiyento kumpara noong 2025.

Mula $77 kada bariles noong July, sumirit ang presyo sa $114 noong September kasabay ng mga banta sa suplay at oil shipments sa Middle East.

Dagdag na nakaapekto sa kita ang limitadong operasyon ng Port Dickson refinery sa Malaysia dahil sa hindi pa magamit na product jetty nito.

Sa kabila ng mas mataas na revenues, patuloy na nahaharap ang Petron sa mataas na gastos sa pag-aangkat at transportasyon ng langis, pati sa mga limitasyon sa refinery operations. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles