Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

500 bahay natupok sa Zamboanga; 1,000 pamilya nawalan ng tirahan

Naabo ang humigit-kumulang 500 bahay sa Zamboanga City matapos sumiklab ang sunog nitong Linggo ng gabi, November 1, na nag-iwan ng 1,000 pamilyang walang tirahan at P4 milyong pinsala sa ari-arian.

Ayon kay Zamboanga City Fire District Marshal Supt. Leo Pioquinto, nagsimula ang sunog bandang 8:01 p.m. sa Sitio Bagong Dalan, Barangay Tugbungan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga dikit-dikit na bahay na karamihan ay gawa sa magagaan na materyales.

Umabot sa third alarm ang sunog bago nakontrol nang 9:57 p.m. at tuluyang naapula bandang 11:57 p.m.

Rumesponde ang 15 firetrucks at 13 water tankers para apulahin ang apoy.

Ayon kay Barangay Chairperson Ramon Saavedra, nasa 500 bahay ang nasira at humigit-kumulang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Tugbungan Elementary School at barangay covered court.

Sinabi ni Mayor Khymer Olaso na pinag-aaralan ang paglipat sa mga evacuee sa mga pasilidad ng lungsod sa Cabatangan at Talisayan.

Nagsasagawa na ng assessment ang City Social Welfare and Development Office para sa relief assistance, habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles