Mas pinadali ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paghahain ng mga reklamo tungkol sa internet connectivity, online transactions, digital services, data privacy at cybersecurity sa pamamagitan ng hotline 1326.
Sa ilalim ng Consumer Complaint Center (CCC), maaari nang tumawag sa 1326 o mag-email sa 1326@dict.gov.ph ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.
Hindi na kailangang personal na pumunta sa tanggapan ng DICT para maghain ng reklamo, bagaman available pa rin ang walk-in services.
Gumagamit ang ahensya ng digital system at artificial intelligence (AI) automation para mapabilis ang pagproseso at pagpapasa ng mga reklamo sa kaukulang government agencies o private companies.
Layunin nitong bawasan ang oras, gastos at abala ng mga complainant, lalo na ang mga kailangang bumiyahe o paulit-ulit na bumalik sa mga tanggapan para sa updates.
Hinikayat ng DICT ang publiko na gamitin ang hotline at email para maiparating ang kanilang mga reklamo sa tamang tanggapan. /Bistado


