Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Siargao, dadayuhin ng world champion surfers sa Pro Championship Tour

Sasalakayin ng mga pinakamahusay na wave-rider sa mundo ang mga tanyag na barrel wave ng Cloud 9 sa Siargao Island, Surigao del Norte mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 8.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magho-host ang bansa ng World Surf League (WSL) Philippines Pro Championship Tour (CT).

Pangungunahan ang men’s division ni Yago Dora ng Brazil, ang kasalukuyang world No. 1.

Makakasama niya mula sa tanyag na Brazilian Storm ang mga dating kampeon sa mundo na sina Gabriel Medina at Italo Ferreira.

Lalo pang palalakasin ang hanay ng mga surfer mula Brazil sa pagsali nina Filipe Toledo at Miguel Pupo.

Makikipagkompetensiya rin sina Leonardo Fioravanti ng Italy, Tyler Wright ng United States, at Kanoa Igarashi ng Japan, na sumungkit ng pilak sa 2020 Tokyo Olympics.

Pangungunahan naman ang women’s division ni Molly Picklum ng Australia, ang No. 1 ng bansa at kampeon sa mundo noong 2025; ang mga Amerikanong sina Lakey Peterson, Caroline Marks, at Erin Brooks; at ang Hawaiian na si Gabriela Bryan.

May kabuuang 40 surfers (24 na lalaki at 16 na babae) ang sasabak sa kompetisyon, kabilang ang tatlong Pilipino na sina John Mark “Marama’’ Tokong, Jayuard Alciso, at Mara Lopez.

“This will be a historic moment for Philippine surfing and the CT will usher the sport into a new era. Let it inspire a new generation of athletes. Let the world discover not just our waves, but the vision, ambition, and heart of the Filipino people,’’ pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson Patrick Gregorio.

Naging posible ang pagho-host ng bansa sa pandaigdigang surfing spectacle na ito dahil sa pagsisikap ng PSC, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Tourism, Department of Public Works and Highways, Tourism and Events Infrastructure and Safety Administration, at National Electrification Administration, katuwang ang Siargao Electric Cooperative.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles