Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alden Richards, suportado ng industriya; mga abogado, pumila

Tila hindi naman gaanong iniinda ni Alden Richards ang naging pandudurog sa kanya ng vlogger na si Xian Gaza.

Hindi pa man ito diretsong sinasagot ng kilalang matinee idol at isa sa mga hari ng showbiz, nagdagsaan naman ang mga kilalang kasamahan sa industriya para ipagtanggol siya at ipamukha sa lahat na “mali” ang mga paratang ng vlogger.

Mula kina Aiai de las Alas, Kenneth Medrano, Jerald Napoles, Lhar Santiago, Betong Sumaya at iba pang mga Kapuso stars, hanggang sa mga Kapamilya at Kapatid celebrities, mga kilalang bloggers, entertainment editors and writers, lahat sila ay nagbabahagi ng pagiging matino, mabuti at mapagkakatiwalaang tao ni Alden.

Kahit ang mga bloggers na mga nagpapraktis ng legal issues o mga abogado ay tila nakipila na rin at nagpahayag ng pagiging handa na bigyan ng legal services si Alden kung sakali mang kakasuhan nito si Gaza.

Sumambulat sa multi media platforms ang “pasabog” ni Gaza noong  Sabado ng umaga, October 24.

Nitong October 25, nagbigay ng kanyang talumpati ang itinuturing na Asia’s Multimedia Star sa okasyon ng Hero For All 2026.

Pinarangalan sa naturang event ang dalawampung ( 20 ) unsung Filipino heroes, mga ordinaryong pinoy na nakagawa ng kabutihan at nagpakita ng tapang at malasakit sa kani-kanilang industriya, sektor at community.

Naging parte ang itinayong foundation ni Alden na AR Foundation sa paghahanap at pagpili ng mga pinarangalang unsung heroes sa buong kapuluan.

Sa isang bahagi ng speech o talumpati ni Alden, sinabi nitong wala ng hihigit pa sa kahalagahan ng paggawa ng mabuti, pagiging makatao, at pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.

Ang pagiging “selfless” din ang isang prinsipyo na nais niyang patuloy na taglayin ng bawat isa at ayon kay Alden,  “I think I am a good practitioner of that kind of principle.”

Pagmamalaki pa ni  Alden: “I really do believe that if there’s one thing I’m proud of, sabihin niyo nang mayabang ako, pero alam ko, at the end of the day, I am a good person. No one can take that away.”

“Please be proud of that fact,” payo pa ni Alden sa paghimok niya sa mga awardees na huwag kailan ikahiya ang pagiging mabuting tao kaya dapat ay lagi nila itong ipagmalaki.

“Sometimes we have to negate the effect of society, especially during the times na hindi na ‘to nakakabuti para sa atin, ”  dagdag pa ng Asia’s Multi Media Star.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles