Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 Pinoy na nirekrut bilang sundalo, border guards sa Europe, hinarang sa Davao airport

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pilipinong lalaki sa Davao International Airport matapos matuklasang umano’y nirekrut sila bilang sundalo o border guards sa Eastern Europe kapalit ng P200,000 buwanang suweldo.

Ayon sa BI nitong Lunes, October 26, pinigilan ang pag-alis nina alyas “Johnny,” 25, “Berting,” 51, at “Tappy,” 50, noong October 17.

Una nilang idinahilan na pupunta sila sa Thailand para lumahok o mag-coach sa isang Muay Thai tournament, ngunit lumabas sa pagtatanong na plano umano nilang tumuloy sa Eastern Europe para magtrabaho.

Ayon sa tatlo, sina alyas “Alexander” at “Oleg,” na nakilala nila sa Facebook at Telegram, ang nag-ayos at sumagot sa kanilang biyahe. Ipinangako rin umano ang European electronic visas pagdating sa Thailand.

Ibinunyag ng isa sa kanila na una silang inutusang dumaan sa “backdoor” route sa Zamboanga noong October 13 bago binago ang plano at pinadaan sila sa Davao.

Itinurn-over ang tatlo sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon.

“Filipinos must be cautious of recruiters who promise high salaries but provide unclear employment arrangements or questionable travel plans,” babala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles