Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dizon balik-DOTr, Lopez bagong DPWH chief sa Cabinet reshuffle ni PBBM

Nagpalit ng puwesto sina Vince Dizon at Giovanni “Banoy” Lopez matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang una bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) at ang ikalawa bilang bagong pinuno ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano ang Cabinet reshuffle nitong Lunes, October 26, bilang bahagi ng plano ng administrasyon na pabilisin ang mga proyekto at serbisyo ng gobyerno.

“We are shifting gears to accelerate reform. Secretary Dizon goes to DOTr to fix the daily commute. Secretary Lopez goes to DPWH to make sure the reforms there last. Lahat ng ito, para bumilis at gumaan ang serbisyo ng gobyerno para sa ating mga kababayan,” ayon kay Marcos sa pahayag na binasa ni Cayetano.

Babalik si Dizon sa DOTr matapos ang mahigit isang taon sa DPWH, kung saan siya itinalaga noong September 2025 para tugunan ang mga alegasyon ng korapsyon sa mga infrastructure project.

Kabilang sa kanyang mga bagong tungkulin ang pagpapagaan ng araw-araw na biyahe ng commuters, pagpapaikli ng pila sa Land Transportation Office (LTO), pagsugpo sa fixers at pagpapabilis ng mga pangunahing mass transport projects.

Samantala, si Lopez, isang abogado at certified public accountant, ang mangangasiwa sa DPWH matapos pamunuan ang DOTr mula September 2025.

Inaasahan siyang magpapatuloy sa mga repormang sinimulan ni Dizon, kabilang ang pagpapalakas ng transparency, procurement procedures at internal controls laban sa korapsyon.

Ayon kay Cayetano, kabilang sa mga nagawa ni Dizon sa DPWH ang pagbubukas ng libu-libong infrastructure projects sa public scrutiny at pagtutulak na matapos ang mga matagal nang naantalang proyekto.

Tungkulin naman ni Lopez na gawing permanente ang mga pagbabago sa pamamagitan ng mas mahigpit na mga patakaran at sistema sa ahensya.

“From where I stand and from all my experience interacting with the President, never po siya nagdesisyon base sa politika,” ani Cayetano.

“Ang mga desisyon niya nanggagaling sa ano ang mga kailangan na reporma sa bawat ahensya para mapabilis ang daloy ng benepisyo sa ating mga kababayan. I’ve seen him do this across many agencies,” dagdag niya.

Nauna nang kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang appointment ni Dizon sa DPWH dahil hindi pa ito nakukumpirma ng Commission on Appointments.

Naipahayag na rin noon ni Dizon ang kagustuhang umalis sa DPWH bago ang pinakahuling pagbabago sa Gabinete. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles