Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PCO officials naghain ng courtesy resignations; Claire Castro mananatili sa puwesto

Mananatili sa puwesto si Palace Press Officer Claire Castro kahit naghain ng courtesy resignations ang mga undersecretary at assistant secretary ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng pag-upo ni Acting Secretary Lino Cayetano.

Kinumpirma ni Cayetano nitong Biyernes, October 23, na hindi niya tatanggapin ang courtesy resignation ni Castro.

“Usec. Claire is a treasure in this government. I haven’t seen someone who can articulate so well what this government is doing,” ani Cayetano.

Ayon sa bagong PCO chief, bahagi ng pagsusuri sa pamunuan ng ahensya ang courtesy resignations, ngunit wala pa siyang itinakdang deadline kung kailan magdedesisyon sa iba pang opisyal.

Pinuri rin niya ang paraan ng pagsagot ni Castro sa mga kritisismo laban sa administrasyon.

“In terms of being combative and protecting what this administration is doing, to explain why we do what we do, I admire Usec. Claire,” aniya.

Wala rin siyang planong baguhin ang estilo ni Castro, bagaman nais niyang mas madalas na humarap sa press briefings ang mga Cabinet secretary at iba pang opisyal para direktang ipaliwanag ang mga polisiya ng gobyerno.

Plano rin ni Cayetano na palawakin ang komunikasyon ng PCO sa mga barangay, paaralan at komunidad.

Nauna nang pinalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating PCO Secretary Dave Gomez matapos hindi makumpirma ang appointment nito sa Commission on Appointments.

Nanumpa si Cayetano noong October 13, habang si Castro ay nananatiling Palace press officer mula nang italaga noong February 2025. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles