Lalo pang tumindi ang laban gabi-gabi ni Dingdong Dantes sa Book 2 ng The Master Cutter: Anak ng Sinulid, kaya naman patuloy itong tinututukan ng mga manonood. At ngayong linggo nga ay umakyat ito sa Top 2 Most Watched Series sa streaming platform na Netflix.
Bukod sa aksyon, patuloy ring kinagigiliwan ang tandem ng Sinulid Sisters na sina Ibyang (Sienna Stevens) at Janine (Ericca Laude) habang magkasama nilang hinaharap ang bagong buhay sa kanilang bagong eskwelahan.
Sey ng ilang netizens “Dati kuha ni Janine ang inis ko, ngayon love ko na sya…. ok na sila ni Ibyang eh”. Bukod sa pagiging mga anak ng Master Cutter na si Atoy, mas naging malalim na rin ang samahan ng dalawang aktres.
Abangan ang fresh episodes ng The Master Cutter sa Netflix tuwing Biyernes, at gabi-gabi naman sa GMA Prime pagkatapos ng 24 Oras.


