May bonggang pa-birthday si Ninang Gcash!
Libreng sakay sa MRT-3, P10 chicken meals, cash prizes na hanggang P100,000 at 100 motorsiklo ang nakahandang pasabog ng GCash para sa mga suki nito sa pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ngayong October!
Sa ilalim ng “Pasalamat” promo, naghanda ang e-wallet platform ng mga diskuwento, freebies at raffle prizes para sa mga gumagamit nito sa Luzon, Visayas at Mindanao hanggang October 31.
Hanggang Biyernes, October 23, pwedeng makasakay nang libre sa MRT-3 gamit ang GCash Commute QR, Tap-to-Pay o GCash Visa card sa mga nakatalagang turnstile.
Kailangan lamang ng hindi bababa sa P14 sa GCash wallet. Ibabawas muna ito sa pagpasok at ibabalik kapag lumabas na sa destinasyong istasyon.
Available ang promo mula 4:30 a.m. hanggang 11 p.m., alinsunod sa mga kondisyon nito.
May pa-P10 chicken meals din sa mga kalahok na KFC, Chooks-to-Go, Andok’s at Baliwag outlets hanggang October 31.
Para maka-avail, kailangang kunin ang voucher sa GCash app at gamitin ang Scan to Pay sa mga participating stores.
Hindi rin nagpahuli ang papremyo!
Sa GBirthday feature ng app, maaaring makakuha ng P10, P50 o P100 instant credits ang mga gagawa ng qualifying transactions.
May raffle prizes ding hanggang P100,000 GCash credits at 100 Yamaha YTX 125 motorcycles na may libreng standard insurance sa pamamagitan ng GInsure.
Kasali rin ang overseas Filipinos sa “Shake It, Win It” rewards program, kung saan may round-trip airline tickets na mapapanalunan ng dalawa hanggang tatlong winners.
Makakakuha ng raffle entries mula sa mga kwalipikadong wallet top-ups at remittance transactions.
May games at giveaways din sa GStocks booths sa Metro Manila.
Pinaalalahanan ang users na tingnan ang promo mechanics, participating branches at eligibility requirements sa GCash app, lalo na’t hanggang October 23 lamang ang libreng MRT-3 rides habang October 31 naman matatapos ang iba pang anniversary offers. /Bistado


