Pinag-uusapan ngayon ang napakagandang recital event ng mga naggagandahan at very talented na mga anak ng mga sikat na celebrities na sina Anne Curtis-Erwan Heussaff, Marian Rivera-Dingdong Dantes at Dra. Belo-Hayden Kho.
Ang mga anak nilang sina Zia, Dahlia at Scarlet Snow ay tatlo lamang sa mga talented talents ng RMA Studio Academy na nagkaroon ng recital kamakailan.
Sa programang ‘Destination: The World Stage’ ng naturang talent house kung saan tinutulungan ang mga batang babae at lalaki na ma-hone ang kanilang mga skills sa music at stage performance, pinag-usapan ang sinasabing tatlo sa magiging big stars ng showbiz, kung sakali mang bibigyan sila ng pagkakataon at papayagan ng kanilang mga sikat na parents na pasukin ang mundo ng performing arts, music, stage, recording at mga katulad.
Sa matagumpay na ‘recital’ ng mga bagets na ginanap sa Proscenium Theater sa Rockwell, Makati City last Nov. 5, kabadong -kabado ang mga mga parents nina Zia, Dahlia at Scarlet dahil yun daw pala ang kauna-unahang pagkakataon na magpi-perform ang mga anak nila sa harap ng maraming mga tao, at sa isang stage na kumpleto ang sound and lights, naka-orchestra pa, with their chosen songs and backdrop.
“Sino ba naman ang hindi kakabahan and the same time ay magiging super proud na panoorin at i-witness ang mga anak namin? Kung kami nga nagkakamali pa sa stage, ninenerbyos at todo-todo kung kabahan, hay. But we could not be prouder of what they did. Ang lalakas ng loob nila and yes, napanood naman ng lahat ng nandun na talented sila,” ang bahagi ng pagka-proud ni Anne Curtis sa anak na si Dahlia.

Pinerform ni Dahlia ang pamosong awit na “This Is Me,” mula sa kilalang movie na The Greatest Showdown.
Sa isang video reel ay mapapanood sina Anne at asawa nitong si Erwan na hindi kumukurap sa performance ng (6) six-year old daughter nila.
Sa kanyang IG post ay ipinagmalaki pa ni Anne na, ” couldn’t think of a better song choice for her very first recital. Watching her find her voice, embrace who she is (bagong bungi pa ), and shine in her own little way made this moment even more special . Sobra akong naiyak.”

Meanwhile, equally proud din ang mga Kapuso royalty na sina Marian at Dingdong sa 10 year-old anak nilang si Zia.
Si Zia naman ay nagperform ng kantang “Rolling in the Deep” ng famous singer na si Adele.
Pagmamalaki din ni Marian sa kanyang IG post, ” “Keep singing, my love! So proud of you, Zia!”
Kasama din nina Marian at Dingdong ang anak nilang si Sixto na proud na proud din sa kanyang ate Zia.
PInag-usapan din ang performance ni Zia sa mala-trio rendition nila ng kantang “A Million Dreams,” kasama sina Scarlet Snow at isa pang young girl.

Si Scarlet naman na 11 years old ay may solo number din na “You’ll Be In My Heart,” na pinasikat naman ni Phil Collins.
Hindi rin matawaran ang pagka-proud ng mga magulang nitong sina Dra, Belo at Hayden dahil sa isang reel na lumabas, daig pa ng mga ito ang mga “rah-rah fans” sa pagpalakpak sa anak.
Nagkakaisa ang netizen sa pagsasabing malaki ang future ng mga anak ng mga naturang celebrities na magkaroon ng magandang puwang sa mundo ng entertainment.
Looking forward nga daw ang marami na very soon ay mas magiging aktibo ang mga anak nila sa performing arts.
May iba pang mga celebrities na nag-recital din dahil hindi lang para sa mga bata ang naturang programa ng naturang Music Academy.
Nandiyan din sina Ina Raymundo at Brielle Bitanga at iba pang artists na aktibo din sa mundo ng showbiz.


