Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

U-19 Asian Sepak Takraw Championship, tuloy na tuloy na sa Pilipinas  

Kasado na ang hosting ng Pilipinas para sa unang ASTAF U-19 Asian Sepak Takraw Championship 2026 sa Rizal Memorial Sports Coliseum (RMSC) and Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa Maynila sa Nobyembre 26 hanggang 30.  

Inorganisa sa ilalim ng pamamahala ng Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF), ang torneo ay magsisilbing kauna-unahang Asian youth championship ng organisasyon at unang pagkakataon din magho-host ang Pilipinas.  

Layunin ng kampeonato na mabigyan ang mga batang atleta ng pagkakataong makipagkumpitensya sa pandaigdigang entablado habang sinusuportahan ang patuloy na pagpapaunlad ng naturang isport sa buong Asya, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at pangangasiwa ng Pilipinas Sepaktakraw Association, Inc. (PSTAI).  

Kinumpirma na ng Bangladesh, Chinese Taipei, India, Indonesia, Iran, Iraq, Malaysia, Myanmar, Oman, South Korea, Sri Lanka, Thailand at Vietnam ang kanilang paglahok. Kasama ang Pilipinas at isa pa, inaasahan na kabuuang 15 bansa ang kasali.  

Kabilang sa mga kompetisyon ang men’s at women’s regu, quad at mixed quadrant. Gaganapin ang mga laban sa dalawang court sa RMSC at isang karagdagang court sa NAS.  

Maglalaan din ang NAS ng dalawang court para sa pagsasanay ng mga atleta.  

Ayon kay Muhammad Fariq Abdul Halim, technical delegate ng kampeonato at deputy president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF), mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng sepak takraw sa buong Asya ang kauna-unahang ASTAF U-19 Asian Sepaktakraw Championship 2026.  

“For many years, our international competitions have largely focused on senior national teams,” aniya.  

“We believe the time has come to strengthen the foundation of our sport by giving younger athletes the opportunity to represent their countries, gain international experience and develop their potential from an early age.”  

Sinabi rin niya na magkaka-iba pa ang antas ng pagpapaunlad sa mga kabataang atleta ng bawat miyembrong pederasyon at naging hamon ang paghikayat sa kanilang lumahok sa kauna-unahang Asian Championship.

“Nevertheless, the anticipated participation of around 15 countries is a very promising beginning and demonstrates the growing commitment towards grassroots and youth development in Asia,” aniya.  

“Our vision is for every member federation to establish a strong pathway from grassroots participation to youth development and eventually to their senior national teams.”  

Nagpasalamat si Halim sa Pilipinas sa pagtanggap ng responsibilidad na pangasiwaan ang kauna-unahang Asian championship na ito.  

“The commitment provides an important platform for the next generation and marks the beginning of what we hope will become a lasting tradition of youth development throughout Asia,” aniya.  

Sinabi ni PSC Chair Patrick Gregorio na pagkakataon ang kampeonato upang ipakilala ang sepak takraw sa mas maraming manonood, palakasin ang partisipasyon sa grassroots level at maipakita ang kakayahan ng mga miyembro ng U-19 national team sa sarili nilang bansa.  

“Hosting the first-ever ASTAF U-19 Asian Sepaktakraw Championship is a proud milestone for Philippine sports. It brings Asia’s brightest young talents to Manila while giving our own athletes the chance to compete, learn, and grow on the international stage without leaving home,’’ pahayag ni Gregorio.  

“This championship showcases the Philippines as a premier destination for international sporting events, boosting sports tourism and allowing us to share our culture and renowned Filipino hospitality with our neighbors across Asia.”  

Ayon naman kay PSTAI president Karen Caballero, isang karangalan at responsibilidad na buong pagmamalaki nilang tinatanggap ang pagho-host sa ASTAF U-19 Asian Sepaktakraw Championship.  

“This championship is more than a competition. It is also about creating opportunities for Asia’s young athletes to showcase their talent, build friendships, and dream bigger.

As the host nation, we look forward to welcoming our Asian neighbors with warm Filipino hospitality and reaffirming our commitment to developing the next generation of sepak takraw champions,” ani Caballero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles