Paniguradong lalong magiging makulay at kaabang-abang ang selebrasyon ng Pintaflores Festival ng San Carlos City, Negros Occidental dahil bibisita ang ilang Sparkle stars ngayong araw, November 4, para maghatid ng walang kapantay na entertainment.
Abangan ang mga inihandang sorpresa at performances nina Larkin Castor, Herlene Budol, Ronnie Liang, at Jeniffer Maravilla sa masayang Kapuso Fiesta na gaganapin sa Centermall Grounds, 8 p.m.
Bitbitin ang buong pamilya at barkada para sa isang gabi ng musika, tawanan, at
Kapuso surprises, courtesy of GMA Regional TV!


