Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, kailan mag-re-reveal ng kalagayan?; Paulo Avelino, tahimik

Simula ng ma-tsismis na diumano’y may “baby bump” na si Kim Chiu, sumabay namang hindi na rin ito napapanood sa It’s Showtime.

Mag-dadalawang buwan na simula ng mapag-usapan ang diumano’y pagdadalantao ng actress host, na naging kontrobersyal din kamakailan dahil sa pagsampa niya ng mga demanda laban sa kanyang kapatid sa usaping “pera at pondo” ng kanilang kumpanya.

After ng naturang iskandalo kung saan nakita pa nga si Kim na tumungo sa presinto at korte kasama ang ilang opisyal ng ABS-CBN, wala na halos nabalitaan sa aktres-host.

Marami ang nagtatanong lalo’t may mga socmed post ng diumano’y unti-unting paglaki ng tiyan ni Kim kaya’t pinaghinalaan itong “buntis.”

Tahimik din ang noo’y maiingay nilang KimPau fans ni Paulo Avelino, ang lalaki namang sinasabing nakabuntis diumano kay Kim lalo’t si Paulo nga raw ang lagi nitong kasama at napapabalita nitong boyfriend.

Noong huling makapanayam ng media ang aktor ay noong kagagaling lang nito sa South Korea kung saan nagwagi siya ng isang award.

Wala itong ibinalita tungkol kay Kim at ayon sa mga kapatid sa media, tila umiiwas daw ito sa mga tanong hinggil sa kanyang rumored gf.

May mga ilang insiders naman sa showbiz na nagsasabing in due time ay mag-re-reveal din daw si Kim ng kanyang totoo at tunay na estado.

Sey nga ni sikat na vlogger na si Ogie Diaz, “kung mayroon mang kailangan aminin si Kim, siguro maghintay na lang tayo. Lalabas at lalabas din naman iyan soon.”

Well, base naman sa nakalap ng BISTADO mula sa mga sources nito sa It’s Showtime, hindi rin daw malinaw kung nag-file ng “LOA” o leave of absence si Kim pero may mga pinasabihan umano itong executives ng programa na mayroon nga itong pinagdadaanan sa kasalukuyan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles