Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Candy Pangilinan, sinagot ang matapang na komento sa “mall issue”

Hindi nakatiis ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan na sumagot sa isang thread sa socmed kung saan mayroong isang mall goer na nagpa-alala sa mga parents na mas bantayan ang mga anak nila kapag nasa isang public place gaya ng mall.

Ayon sa matapang na post ng isang mall goer, “Hindi playground ang mall. I repeat, HINDI PLAYGROUND ANG MALL.”

Sinundan pa ito ng mahabang litanya hinggil sa umano’y nagiging isyu kapag may mga batang pasaway na takbuhan ng takbuhan at ginawa ngang tila playground ang mall o mga batang may mga kondisyon na tila nagdudulot ng ‘discomfort’ sa ibang mall goers.

Kaya naman matapang na ipinaalala ng poster na mas higpitan ang pagbabantay sa mga kagayang anak  at mas doblehin ang pagiging responsableng magulang.

Marami ang sumang-ayon sa naturang post, habang may mga iba namang nagsasabing lawakan din sana ang pang-unawa ng ibang mga tao.

Sa gitna ng mga komento ay sumagot nga si Candy Pangilinan, ina ng isang batang may espesyal na kundisyon.

Ayon sa sagot ni Candy,  “pasensya na po talaga kasi mahirap pigilan ang mga bata lalo na kung yung mall merong mga umaandar na train.. Nakalimutan ko na ang mall ay hindi playground ng bata. Ito ay playground ng matatanda. Paano kaya yun?”

Dagdag pa nito,. “the mall wants their establishments to be a family place. We need more parks. We need more open spaces. We need more spaces for children and adults to play and be free. Many malls are now being transformed into pickleball courts. Paano po yun?”.

MIxed ang reactions ng netizen sa naturang pagsagot ni Candy subalit marami ang sumang-ayon na higit itong dapat na bigyang pansin ng mga mall owners at ng government na tila pulos negosyo na lang daw ang iniisip at hindi ang welfare ng lumalaking populasyon ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles