Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rizal Memorial Sports Complex, nakatakda para sa renovation

Nakatakdang sumailalim sa malaking pagsasaayos ang 99-taong-gulang na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila matapos ihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chair Patrick Gregorio ang planong pag-aayos sa oval at football field nito.

Sinabi ni Gregorio na nakatakda silang magkaroon ng paunang pagpupulong kay FIFA (international football association) president Gianni Infantino sa susunod na linggo upang talakayin ang mga detalye ng planong pagsasaayos.

“In the next couple of weeks, fingers crossed, if president Gianni can land here, we will have a meeting to help discuss the upgrading of the (Rizal Memorial) Football Stadium. (It’s) long overdue, long forgotten, not world-class, not even for collegiate football,” aniya.

Plano ng PSC na doblehin ang kapasidad ng athletic field na kasalukuyang kayang tumanggap ng halos 13,000 manonood, nang walang gagamiting pondo mula sa pamahalaan.

“When will we finish? Hopefully, March, April or May of 2028,” ani Gregorio hinggil sa target na panahon ng pagkumpleto ng pagsasaayos.

Sinabi niyang mananatili ang klasikong disenyo ng harapan ng RMSC, na idineklarang National Historical Landmark ng National Historical Commission of the Philippines noong 2017.

“Wala tayong ginagawa dito na walang approval ng National Historical Commission (of the Philippines). Lahat ito ay approved ng National Historical Commission, City of Manila, MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), DPWH (Department of Public Works and Highways), DOTr (Department of Transportation), Meralco, PLDT, and Maynilad,” sabi ni Gregorio.

“We’ve done our homework. Master plan po ito. Wala pong sisirain, hindi po masisira. Papagandahin at babaguhin lang.”

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Infantino para sa kongreso ng ASEAN Football Federation sa Linggo at sa ika-49 na ASEAN Summit na nakatakda Nobyembre 15-18.

Nakatakda rin sumailalim sa malaking pagsasaayos ang mga pangunahing indoor arena sa RMSC.

Ayon kay Gregorio, gagawing arena na may nabubuksan na bubong ang Rizal Memorial Coliseum (RMC), na orihinal na itinakdang maging tennis court bago naging pangunahing pasilidad para sa indoor sports. Sa ganitong paraan, maaari rin itong pagdausan ng mga outdoor sports event.

Sinabi niyang panahon na upang muling gamitin ang RMC sa orihinal nitong layunin at hindi na lamang magsilbing basketball court.

“It will no longer be a basketball court. My background is basketball. But I’m sorry, basketball. It’s time to give opportunities and facilities to other sports. There are so many basketball courts in this country. We don’t need more basketball courts,” pahayag ni Gregorio.

Ibinahagi rin niya ang planong gawing pangunahing court ang RMC para sa WTA (Women’s Tennis Association) 250 Philippine Women’s Open sa Nobyembre 2027.

“Marami pong options yan. Of course, tennis is one of them. Alam naman po natin na we will host WTA 250 in November 2027. We will try our best to develop it so that it’s ready for the WTA 250,” ani Gregorio.

Sinabi rin niyang nangangailangan ng malawakang pagsasaayos ang Ninoy Aquino Stadium, na isa sa alternatibong venue ng Philippine Basketball Association.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles