Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanda sa seguridad at mga posibleng pagtitipon habang hinihintay ang desisyon ng Senado sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng utos ni Interior Secretary Jonvic Remulla na paghandaan ang mga posibleng sitwasyon habang nananatiling neutral ang pulisya.
Nilinaw ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na paghahanda para sa kaligtasan ng publiko ang ginagawa nila, hindi dahil inaasahan nilang magkakagulo.
Inatasan ang mga kinauukulang regional office at National Capital Region Police Office na suriin ang seguridad at tukuyin ang mga posibleng lugar ng pagtitipon.
Pinamomonitor din sa intelligence units ang mga kapani-paniwalang banta. Giit ng PNP, dapat itong sumunod sa batas at hindi ibatay sa grupong politikal o personal na paniniwala.
“Our duty is to remain impartial, protect the people’s right to peaceful assembly, and ensure that the democratic process is respected without compromising peace and order,” ani Nartatez. /Bistado


