Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Raymond Gutierrez matapang na kinol-out ang PBB; Sponsors, nagreklamo

Hinangaan ng maraming netizen ang pag-call out ng Bilyonaryo news anchor na si Raymond Gutierrez at mga kasama nitong sina Willard Cheng at Erika Kristensen dahil sa kontrobersiya ngayon sa PBB reality show ng parehong ABS-CBN at GMA 7.

“Ït defeats the purpose of it being a reality show,” bahagi ng komento ni Raymond sa news item na kanilang ibinalita kaugnay ng usapin.

“It is called a reality show because it should be raw, no edited version, it is what is. Kung ano ang dapat na normal at ordinaryong ginagawa ng mga housemates, ganun dapat ang napapanood, ” ang nagkakaisa pang reaksyon ng tatlong hosts.

“The program holders should take a serious look at this dahil mayroon namang house rules and mechanics na ipinasusunod sa mga housemates since day one. Cancelling it’s live streams indeed doesn’t make sense for a so-called reality show,” dagdag pa nila.

Samantala, mayroon namang sponsor ng show na nagreklamo sa biglaang kanselasyon ng live stream.

Si Ms. Anna Magkawas, ang negosyante, content creator, at TV host. na founder at CEO ng Luxe Beauty and Wellness Ventures Corporation (Luxe Beauty and Wellness Group) ay kapartner na ng PBB for quite a time.

Ayon sa kanya, ni hindi man lang daw sila pinagsabihan na may ganung desisyon ang show gayung bahagi ng kanilang kontrata na gagamiting parte ang mga produkto nila sa loob ng PBB house.

Ano pa nga naman daw ang saysay at silbi ng sponsorship kung hindi umano ito napapanood ng mga consumers at target nilang audience?

Wala pa ring tugon o reaksyon ang PBB producers hinggil sa usaping ito.

Mayroon namang mga netizen at socmed casuals na nananawagan na sa  international Big Brother reality television franchise owner nitong BANJAY (dating Endemol/Endemol Shine Group) na, created by Dutch producer John de Mol Jr. in 1999.

Ayon sa mga panawagan ay baka daw panahon na para rebisahin at rebyuhin ang mga biglaang pangyayari na hilig o madalas gawin ng PBB Philippines franchise.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles