Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pokwang, mas sinuwerte nang mahiwalay sa ‘American partner’

Maraming mga fans ni Pokwang ang nagsasabing higit daw na sinuwerte ang comedian-host nang tuluyan na itong makipaghiwalay sa American partner nitong si Lee O’Brian.

Kahit hindi sila nagpakasal at nagkaroon ng isang anak, hindi naging maganda ang kanilang pagsasama at nauwi pa nga ito sa paghingi ng tulong noon ni Pokwang sa ahensya ng gobyerno para ma-deport at hindi na makatuntong pa ng bansa si O’Brian.

Prior to O’Brian, nagkaroon ng karelasyong dalawang Japanese si Pokwang at sa katunayan ay kasal siya sa una at mayroon silang isang anak. Ito yung time na nagtrabaho sa Japan si Pokwang bilang entertainer.

Namatay ang naging anak nila ng naunang Hapon na kanyang naging asawa.

Sinundan ito ng isa pang Hapones na hindi naman niya pinakasalan subalit nagkaroon din siya ng anak dito.

Gaya ni O’Brian, babae din ang anak ni Pokwang sa naturang Hapones na siya ding kasama niya sa buhay ngayon.

Minsan ng winika ng actress-host na tila “malas” siya sa mga nakaka-relasyong lalaki lalo na daw kapag dumadating yung time na “inaalat” ang kanyang movie at TV career.

Kaya naman simula ng makipaghiwalay na nga siya kay O’Brian, at kahit hindi na siya nag-renew ng kanyang hosting job sa GMA 7, hindi pa rin naputol ang kanyang mga trabaho.

POKWANG, nanalo ng Special Mention in Acting award sa Argentina para sa 2Valid IDs movie… mula sa FB

Sa TWO VALID IDs kung saan naging Best Actress siya sa Cinemalaya 2026, napatunayan din ni Pokwang ang lakas niya sa box-office.

Bukod sa Best Actress award na kanyang nakuha sa naturang Cinemalaya Festival, tinanghal ding box-office champion ang movie niya.

At nito ngang ipalbas ito sa mas maraming sinehan this November balita pang kinabog nito ang mas higit na malaki at commercial film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

As of this writing ay balitang humahamig na ang pelikula ng aabot sa 150 million pesos gross.

Pero hindi nga doon nagtatapos ang ‘swerte’  ni Pokwang dahil kamakailan lang din ay ginawaran siya ng isang international acting award.

Para uli sa pelikulang 2 VALID IDs nakatanggap ng pagkilala si Pokwang mula sa isang international film festival sa Argentina. 

Ayon sa producer ng 2 Valid IDs na Super! Entertainment, ginawaran si Pokwang ng Special Mention in Acting sa 41st Mar del Plata International Film Festival sa Argentina.

Ito ang kauna-unahang beses na ibinigay ito sa isang aktres at ang pinay comedian-host-actress nga ang nakatanggap nito mula sa mga huradong lubos na humanga sa film na isa sa mga pelikulang tinanghal sa festival.

Bagong kategorya ang Special Mention in Acting recognition sa prestihiyosong film festival, at si Pokwang ang kauna-unahang tumanggap nito.

Inilahok ang pelikula sa naturang festival na nagbukas noong November 5, at tumakbo ito ng sampung araw, hanggang sa awarding ceremony nito noong November 14 sa Teatro Auditorium sa Mar del Plata, Argentina.

Congratulations Pokwang, mula dito sa amin sa BISTADO!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles