Makalipas ang limang taon nilang relasyon bilang bf-gf, dumating na araw na nag-propose na si Rayver Cruz sa gf nitong si Julie Anne San Jose.
Naganap ang proposal ng Kapuso actor sa isang simpleng lugar kung saan sinaksihan ito ng kanyang kuya Rodjun at asawa nitong si Dianne Medina noong Nov.23.
Sa ibinahaging video ni Rayver ay makikita kung gaanong kasaya ang couple lalo na si Julie Anne na umiyak pa sa ginawa ng boyfriend.
“Gusto ko lang sabihin sa’yo sa na mahal na mahal kita at totoo ‘yung sinasabi ko sa’yo na mamahalin kita habangbuhay kung hahayaan mo ako,” sambit ni Rayver ng walang kagatol-gatol sa gf habang naiiyak na ang dalaga,
Sa loob ng limang taon nilang pagiging magkasintahan, walang napabalitang nagkaroon ng anumang gusot o problema ang dalawang Kapuso artists.
Wala pang anumang detalye na ibinigay hinggil sa kanilang pagpapakasal subalit klinaro ng source ng BISTADO na by 2027 nila ito napipintong itakda.
Sa naturang video na ngayo’y nilalanggam na sa ka-sweetan ng kanilang mga supporters at tagahanga, makikita ding present ang mga kaibigan at co-Kapuso artists nilang sina Miguel Tanfelix at nobya nitong si Ysabel Ortega.
Nagbigay din kanilang congratulatory messages ang ilan pa sa mga kaibigan nila gaya nina Heart Evangelista, Maja Salvador, Gabbi Garcia, Alex Gonzaga at Barbie Forteza.


