Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Grade 11 sa GenSan, may 2 bagong silid-aralan mula sa Japan

Hindi na sa makeshift classrooms mag-aaral ang mga Grade 11 learner ng Bawing National High School sa General Santos City matapos maipasa sa paaralan ang bagong gusaling may dalawang silid-aralan.

Pinondohan ng pamahalaan ng Japan ang isang palapag na gusali. Ipinatupad ang proyekto ng ChildFund Japan at Notre Dame Business Resource Center Foundation, Inc. sa ilalim ng programang Promotion of Peaceful and Inclusive Education Through Improved Learning Environment.

Kasama sa mga ipinagkaloob ang mga armchair, mesa, telebisyon at pasilidad para sa paghuhugas ng kamay. May mga bentilador din ang mga bagong classroom.

Ayon kay BNHS Principal Melanie Daan, makatutulong ang mga silid upang mabawasan ang siksikan at mahikayat ang mga estudyanteng regular na pumasok.

Pinangunahan ni Japanese Consul General Ono Hirotaka, na nakabase sa Davao, ang pagpapasinaya kasama ang mga lokal na opisyal ng edukasyon at mga katuwang sa proyekto.

Sinabi niyang magpapatuloy ang suporta ng Japan sa mga programang pangkaunlaran sa Mindanao. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles