Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae-myung ang pagpapalakas ng kooperasyon sa depensa, artificial intelligence (AI), cybersecurity at nuclear power sa pagpupulong sa Maynila noong November 16.
Nagkita ang dalawa sa sidelines ng 49th ASEAN Summit upang sundan ang mga napag-usapan sa state visit ni Lee noong March.
Kasama sa talakayan ang kalakalan, pamumuhunan, pagpapatupad ng batas, seguridad sa pagkain, industriya ng depensa at mga programang pangkalawakan.
Muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang suporta sa Strategic Partnership na itinatag noong 2024. /Bistado


