Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBBM, pupulungin si Trump at 4 pang lider sa ASEAN Summit

Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Donald Trump at sa mga lider ng Australia, Brazil, Japan at South Korea sa magkakahiwalay na pulong kasabay ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Kinumpirma ni ASEAN 2026 spokesperson Dominic Xavier Imperial ang pulong nina Marcos at Trump sa isang panayam sa World Trade Center Metro Manila sa Pasay City. Inaasahang darating si Trump sa Maynila sa Martes, November 17, para dumalo sa ASEAN-US Special Summit sa Philippine International Convention Center sa Pasay.

Ayon kay Imperial, inaayos pa ang mga panukalang pulong ni Marcos sa mga lider ng India at Laos, gayundin kay United Nations Secretary-General António Guterres.

Ang Pilipinas ang punong-abala sa ASEAN Summit at mga kaugnay na pulong mula November 15 hanggang 17. Sa temang “Navigating Our Future, Together,” prayoridad ng Pilipinas ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya at mas malawak na pakikilahok ng mamamayan sa pag-unlad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles