Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

National Artist Ricky Lee, proud sa kapwa taga-Daet na si Michael Idioma

Hindi naiwasang maging emosyonal ni National Artist Ricky Lee sa kapwa taga-Daet, Camarines Norte na si Michael Albert Idioma, lalo’t sabay silang na-induct sa Hall of Fame ng katatapos lang na 42nd Star Awards for Movies.

Iniluklok sa Hall of Fame ang dalawang magaling na Bicolano artists/celebrities na umani ng mahigit sampung mga parangal sa respective nilang categories sa kabuuan ng isang pelikula, simula noong 80’s, hanggang ngayong 2020’s.

Si Ricky Lee ay nanalo ng kabuuang labing-isang (11) Star Awards bilang Best Screenplay/ Movie Screenwriter of the Year sa mga pelikulang:
Private Show (1986),  Paano Kung Wala Ka Na? (1987), Sandakot Na Bala (1988),  Ang Bukas ay Akin (1989),  Andrea, Paano Ba ang Maging Isang Ina? (1990), Pangako ng Kahapon (1994),  May Nagmamahal Sa ‘Yo (1996), Jose Rizal (1998),  Bulaklak ng Maynila (1999),  The Trial (2014), Tagpuan (2020) (Indie Movie Screenwriter of the Year) at isinama pa ang Green Bones (2024, kung saan ka-share niya si Angeli Guidaya-Atienza at the 41st Star Awards) .

Bukod pa diyan ay nauna ng pinarangalan ng Star Award for Best Screenplay of all Time para sa “Himala”noong 2009.

Samantala, ang mahusay namang Movie Sound Engineer na si Michael Albert Idioma ay nagkaroon naman ng kabuuang labing-anim (16) na panalo mula sa Star Awards para sa mga pelikulang:  José Rizal (1998), Muro-Ami (1999), Sigaw (2005),  Sukob (2007),  In the Name of Love (2012), Sonata (2013), The Janitor (2014).  Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014), Seklusyon (2016), The Ghost Bride (2017),  ML (2018), Maria (2019), Magikland (2020), GenSan Punch (2021),  Apag (2023) at Topakk (2024 / shared win with Andrea Teresa Idioma).

“Nakaka-proud lang. Sa maraming mga pagkakataon na nakatrabaho ko siya, talagang nanatili siyang humble, despite yung husay at brilyo niya bilang isang sound engineer. Nakakatuwa,” ang pahayag ni Ricky Lee sa kanyang kababayan.

Sa isang bahagi naman ng thank you speech ni Idioma, sinabi nitong ang pagiging isang sound engineer na ang kanyang naging puhunan sa buhay at maging sa pagpapamilya.

Bilang isang nagtuturo din ng naturang aspeto ng isang film production, tila namana na ng kanyang mga anak ang kanyang talento, skill at husay dahil ito na rin ang kanilang mga ginagawa sa ngayon.

Kapwa produkto ng Daet, Camarines Norte sina Lee at Idioma.

Sa naturang lugar kapwa sila ipinanganak, lumaki, nag-aral at nangarap maging bahagi ng film industry, hanggang sa maging institusyon na sila sa kanilang mga larangan.

Magkaiba man ang kanilang mga karanasan bunsod ng mga exposure nila sa pulitika at pakikibaka, kapwa naman nila sinasabing nakapaghuhugot sila ng makabuluhang inspirasyon sa mga karanasan ng kanilang mga pamilya at mga simpleng pangarap nila noong nasa probinsya pa sila.

Kapwa din nila ipinagmamalaking nasa Daet pa rin ang kanilang mga ugat at lagi pa rin nila itong pinupuntahan/binabalikan.

Si Idioma ay anak ng dating beteranong radio anchor na si Bert Idioma na naging kilalang mamamahayag sa radyo sa lalawigan ng Camarines Norte at ibang lugar sa Kabikulan.

Si Lee na naging National Artist ay bantog sa kanyang mga kakaibang istorya at pagsusulat na ginawa na niyang advocacy thru his writing workshops for free.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles