Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heart Evangelista, kinatuwaan, kinainisan ang “phone sticker”

Mixed reactions ang netizen sa nag-viral na photos ni Heart Evangelista habang hawak-hawak nito ang kanyang magara at mamahaling cell phone.

May mga natuwa, subalit meron din namang mga nainis.

Para daw kasing sinadyang ipakita ni Heart ang sticker ng kanyang phone na may nakaka-intrigang sinasabi.

Nakasulat sa sticker ang mga letrang “T***NGINA” habang may malaking puso na medyo ‘broken’ sa kaliwang side nito.

Ayon sa mga kaswal sa socmed, pagpapakita daw yun ng ‘statement’ ng fashionistang aktres sa mga bashers niya.

May mga nagsasabi namang iyan daw marahil ang pinagdadaanang emosyon ngayon ni Heart sa tila magulo daw na married life nito bunsod ng hindi magandang reputasyon at imahe na nakukuha ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

May mga nang-ookray din at nagsasabing nagpapasikat lang daw si Heart ng kanyang mga singsing na nakakasilaw ang mga brilyante,

Anu’t anuman daw ang ibig ipahayag o sabihin ni Heart, nagpapakita lang daw ng pagiging isang normal na tao ni Heart na kayang-kaya ding magmura o magwala sa mundo kapag may mga bagay na hindi na nito kinakaya.

Para naman sa iba, hindi daw magandang makita ang naturang imahe mula sa isang gaya  ni Heart na role model ng mga fashionista, ng mga gen-Z na love na love ang kanyang taste sa pananamit at iba pa at iba pang mga younger people na nagrerepresenta daw ng pagiging disente despite their fortune and family status.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles