Marami ang nagtataka kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang nagbigay ng pahayag si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa noo’y naging isyu nila ni Bela Padilla.
Nang maging bisita ni VIce Ganda si Marian sa programang Gandang Gabi Vice sa GMA 7, tinanong ng Unkabogable Star ang naturang isyu na naganap some 16 years back.
“Since ngayon ay pina-punchline na lang natin yan, pero is it an urban legend? Yung padlock-padlock na yan dati? Did it really happen?, ” sunod sunod na tanong ni Vice kay Marian after nilang gawin ang isang eksena na tila hindi tinatantanan ng isang babae ang isang lalaki sa isang shooting scene.

Apparently, ganun daw yata ang nangyari sa taping noong 2010 na nagkasama sa isang series sina Dingdong Dantes at Bela Padilla, habang si Marian ay gf pa lang noon ng aktor.
Subalit ayon kay Marian, matagal nang maayos ang relasyon nila ni Bela at minsan na rin silang nagkausap tungkol sa kontrobersiya.
In fact, naging bisita pa nga daw ni Marian sa kanyang sariling show si Bela at naisara na nila ang naturang “padlock CR scene” na pinaniwalaan ng marami.
Nagkaroon pa nga noon ng mga panayam sa dating manager ni Bela na si kilalang singer na si Claire dela Fuente (yumao na) pati na sa lola ni Bela na si Eva Carino (nanay ni Robin) na noo’y kumampi sa apo sa bersyon ng istorya nila.
Sa bersyon kasi ng padlock scene, naganap sa isang dressing room ang umano’y pagkompronta ni Marian kay Bela kaya’t imposibleng mai-padlock niya ito sa loob dahil nasa loob ng CR ang padlock.
Sa bersyon naman noon ni Claire as per the story umano ni Bela, naganap ang eksenang komprontasyon at pag-padlock sa CR sa Fontana Resort sa Pampanga kung saan ang umano’y selos na selos na noong si Marian ay nagawang paalisin ang mga taga production ng shooting at komprontahin at ikulong nga sa CR si Bela.
“Traumatic” pa ang naging pahayag noon ng kampo ni Bela na naging mainit na usapin sa mga showbiz talk shows.
At dahil si Marian ang prime star noon ng GMA 7 at si Bela ay nagsisimula pa lang, halata umanong mas pinanigan at kinampihan nila ito nang nagsagawa sila ng imbestigasyon at mga pag-uusap, kasama ang kanilang mga managers.
Sa naturang bersyon ni Marian, sinabi nitong nakapag-sorry na si Bela sa kanya at nagkapatawaran na sila.
Ito ang pinagtatakhan ng marami dahil bakit daw need ni Bela na humingi ng sorry kung wala naman itong ginawang masama o pangit kay Marian?
Porke daw ba nagkaroon ng iskandalo na pinadlock niya ito ay mag-so-sorry na si Bela lalo’t kung totoong walang ‘padlock CR’ na naganap?
“Magulo ang tsika ni Marian. Alam ng lahat na selosa siya at may nagpatotoo na sumugod daw talaga siya sa shooting ni Dingdong dahil sa nabalitaan niyang nakikipaglandian ito sa co-star. Bakit ngayon iba na ang kwento niya? Just wondering porke’t need niya i promote ang movie niya?” litanya ng mga ayaw daw maniwala kay Marian.
Pagbabahagi naman ni Marian kay Vice Ganda, “para sa akin, hindi ko na kailangan i-explain sa social media. Pero bilang ikaw yan, at na-open up mo, willing naman ako to open up. Alam mo, buong buhay ko never ko itong pinag-uusapan kasi kahit anong paliwanag mo sa tao, nakadikit na sa utak nila… yung totoong nangyari.”
“So, okay na ako doon. Ang mahalaga, kaming dalawa, pag nagkikita kami, okay na kami. At ako, para sa akin, napatawad ko na siya. Pero kung ang tanong mo ay nangyari ba talaga? Hindi, ” ang matatag na pahayag ni Marian.


