Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lumang PWD IDs, valid pa rin sa loob ng 3 taon; diskuwento, bawal ipagkait

Valid pa rin ang mga kasalukuyang persons with disabilities (PWD) ID sa loob ng tatlong taong paglipat sa bagong Unified Persons with Disabilities Identification System (UPWDIS), ayon sa National Council on Disability Affairs (NCDA).

Nilinaw ng NCDA na dapat pa ring tanggapin ng mga establisimyento ang mga valid na PWD ID na inisyu ng lokal na pamahalaan, kahit maaari nang gamitin ang bagong Unified Digital PWD ID.

Patuloy na makukuha ang mga benepisyo, kabilang ang 20 porsiyentong diskuwento at VAT exemption sa mga kwalipikadong gamot, serbisyong medikal, pamasahe, hotel, restaurant at iba pang pasilidad.

Nagbabala ang NCDA na maaaring maharap sa legal na aksyon ang mga establisimyentong tatangging tumanggap ng alinman sa dalawang valid na ID at magkakait ng benepisyo.

Binigyan ng tatlong taon ang mga lokal na pamahalaan para ihanda ang kanilang sistema at pasilidad bago ang ganap na pagpapatupad ng UPWDIS.

Hinihikayat naman ang mga PWD na magparehistro sa bagong sistema para masugpo ang pekeng ID at matiyak na lehitimong benepisyaryo ang nakatatanggap ng mga pribilehiyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles