Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kris Aquino, papasok sa pulitika kung gagaling; if ever nais maging DOH Secretary

Gaya ng inaasahan, viral ang mga naging istorya ni Queen of All Media Kris Aquino sa kanyang pakikipag-usap sa King of Talk na si Boy Abunda.

Sa two-part cum birthday episodes ni kuya Boy sa Fast Talk sa GMA 7,  muling narinig at napanood ng madla ang isang Kris na madaldal, masigla, maraming pasabog, walang preno ang bibig at bukod tanging siya lang talaga ang pwedeng magtaray at magyabang ng hindi kaiinisan.

Mahigit isang dekada na ang lumipas since huling magkasama sa iisang show sina Kris at Boy kaya’t nagsilbing magandang reunion ang naging pagbisita ni Kris sa birthday episode ng pamosong talk show host last October 28-29.

Among the so many issues na bago para sa mga manonood ay ang pagbibigay update ni Kris hinggil sa kanyang medical condition.

After spending quite a time and fortune for more than four years, umaasa pa rin si Kris na siyaý gagaling at malalampasan ang pinagdadaanang problema sa kanyang “autoimmune heath.”

“After ma-address ang isang issue o conflict affecting other body organs, biglang may susulpot na namang bago,” bahagi ng pag-update ni Kris na inaasikaso ngayon ng mga pinoy doctors sa Makati Medical Center, mula sa kanyang pagpapa-doktor from Singapore to the USA.

May nakakatawa pang chika si Kris tungkol sa isang doktor na nag-request siya ng “kiss on the lips” after daw siyang maturukan ng anaesthesia for an operation na gagawin sa kanya.

“Siguro na-weird-an yung doktor sa akin haha. Hindi man natuloy yung kiss on the lips, he held my hands until makatulog na ako at magawa yung procedure. Pero when I wake up, hindi na siya nagpakita,” ang nakakatawa pang kwento ni Kris.

Sinaway nga siya ni Bimby na kasama din niya sa interview at dahil “very Kris” nga daw ang mga ganung eksena, patatawarin mo na lang.

Speaking of Bimbs, klarong tinuran ni Kris na nais niyang makapangasawa si Bimby ng isang babae na mamahalin hindi lang si Bimby kundi maging ang may special condition nitong kuya na si Josh.

“Pero sana naman maganda. Di ba, sila kasi ang magpapatuloy naman ng lahi namin kaya talagang dapat maganda bukod sa mabait, mabuting tao at very loyal,” hirit pa ni Kris sabay abisong baka marami na naman ang mayabangan sa kanya o magalit dahil nag-iinarte na naman siya para sa future ng anak.

Subalit nanindigan nga din si Bimby na kung hindi nga raw mamahalin at tatanggapin ng future wife niya ang kanyang kuya Josh, mas okey na daw na manatili siyang “single.”

Kung sakali naman daw na maka-recover si Kris from her battle on her health, type din niya pasukin ang politics.

“Basta gumaling ako at physically ready sa hamon ng public service, papasukin ko,” sagot nito sa tanong ni Boy kung nanaisin nitong maging isang politician in the future.

Pero muling humirit si Kris na if ever man daw merong President in the future na pagtitiwalaan siya to hold a public office, nais niyang maging Secretary of Health.

“Nakita ko talaga, na-experience ko ang health condition and state ng bansa. I think I can be a good representative to our people’s needs. Sa mga pinagdaanan ko sa mga hospitals, nurses, doctors and basically everything about it, the medicines lalo yung mahal na mga gamot and other health services, yun talaga ang gusto kong matulungan at gawin kung meron mang Presidente na willing akong bigyan ng posisyon,” bahagi pa ng pahayag ni Kris.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles