Hindi lang sa school magaling si Principal Pio — pati sa kusina, award-winning!
Another reason to celebrate for actor and restaurateur Marvin Agustin as his restaurant Cochi once again earns the prestigious Michelin Bib Gourmand recognition!
Matapos mapabilang sa inaugural Michelin Guide selections sa Pilipinas, muling napanatili ng Cochi ang pagkilalang ibinibigay sa mga restaurant na naghahain ng masasarap at dekalidad na pagkain at great value.
At siyempre, hindi magpapahuli sa celebration ang kanyang long time onscreen partner na si Jolina Magdangal, kasama ang buong cast, production team ng Mommy Guard, at ang TV5 family!
Sa Mommy Guard, kinikilig ang viewers sa tambalang Tina at Principal Pio. Pero in real life, ibang klase rin ang achievements ni Marvin, na patuloy na pinagsasabay ang kanyang pagmamahal sa pag-arte at ang passion niya sa food business.
From being one of the country’s most loved leading men to becoming a successful restaurateur, patunay si Marvin napuwedeng magtagumpay sa iba’t ibang larangan kapag may sipag, puso, at passion sa ginagawa.
Principal sa Mommy Guard. Michelin-recognized restaurateur in real life. Iba talaga ang standards ni Principal Pio!
Kaya naman, isang malaking congratulations mula kay Jolina at sa buong Mommy Guard at TV5 family para kay Marvin at sa buong Cochi team!
Deserve na deserve ang recognition na ito!
At habang patuloy na umaani ng tagumpay si Marvin sa restaurant business, abangan din ang kanyang nakakakilig at nakakatuwang moments kasama si Jolina Magdangal sa Mommy Guard, Mondays to Fridays, 2:30 PM sa TV5 at ABS-CBN platforms. Available din ang episodes sa Netflix at TV5 YouTube channel.
Congratulations, Principal Pio! Michelin-level ang galing, onscreen at offscreen!


