Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heart Evangelista-John Prats, nagsosyo sa film project?

Mainit ang diskusyon ngayon ng mga batang 90’s kung dapat nga bang magkaroon ng ‘solo movie’ ang tambalang JoHeart nina John Prats at Heart Evangelista?

May ilan kasing nagsasabi na hindi naman umano naging big hit ang kanilang tambalan maliban sa mga nakaka-kilig nilang moments sa TV noon at napunta sa mga TV commercials.

Wala daw talagang “solo film” na sila ang bumida na kumita at naging kasing-lakas ng mga tandems noong araw kung hindi sila sinamahan ng ibang love teams.

Pero marami naman sa mga gen Z ngayon ang nagtatanggol kasama na ang mismong asawa ni John Prats na si Isabel Oli na kinikilig pa rin sila sa JoHeart na muli ngang nagkatrabaho nitong 2026 at muling kinakitaan ng kilig at pag-asang buhayin ang tandem nila.

Sey ng mga netizen, “kung yung MarJo (Marvin Agustin -Jolina Magdangal) nga ay patok na patok pa rin, why not naman ang JoHeart? Hindi na nga namin sila inabutan noon, pero nitong napapanood at nakikita namin ang tandem nila, aba’y apaka-sweet, may kilig at nakakatuwa. Bakit hindi namin suportahan kahit na mga mukha na namin silang mga tita at tito?.”

Kaya naman ang Cornerstone na siyang namamahala ng karir ni John ay mabilis na nakahanap ng perfect material para sa isang film project nila at gumigiling na ngayon ang mga cameras ng shooting nila.

#JoHeartAllOverAgain ang hashtag na inilabas ng Cornerstone sa pagsisimula ng shooting ng naturang film. 

Twenty three (23) na nga ang lumipas since huling nagkatrabaho sina Heart at John and kahit may mga respective families na sila, tila na-rediscover ng bagong audience ngayon ang ganda ng tandem nila.

Meanwhile, maugong din ang balitang nag-shell in ng ‘investment’ sina Heart at John para sa naturang film project to make sure na hahatak ito at aapela sa young generation of audiences today.

“We don’t see anything wrong with that. They are both successful and have the money to invest. If they believe that their tandem deserves another shot at success, then why stop putting their money to such an investment. Magkaibigan naman sila at malamang na magiging mabuting magkasosyo,” hirit pa ng mga nagsasabing sila ang mga bagong fans/supporters ng JoHeart. 

Nakatakdang i-rilis ang movie on February 2027, in time for the Valentine’s day at birthdays din nila.

Both Heart and John were born on  Feb, 14, kaya’t asahan na daw nating matamis sa puso ang tatakbuhin ng kuwento ng kanilang movie.

Si John din ang balitang mag-didirek nito, with Irene Villamor as creative producer, Angel Tomas as screenwriter, at Cornerstone as producer with Jeff Vadillo as Executive Producer.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles