Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Isa pang runner ng Pinas, nagkamit ng bronze sa Youth Olympics

Nakasungkit ng bronze medal sa men’s 200-meter event si Pi Durden Forward Wangkay para sa ikalawang medalya ng Pilipinas sa Youth Olympic Games (YOG) sa Senegal nitong Miyerkules.

Nagtala ang 17-anyos na si Wangkay, mula sa Biñan, Laguna ng personal-best na 21.36 segundo upang pumangatlo sa likod nina Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe (21.04) at Deuquan Farrell ng Guyana (21.36) sa Complexe Iba Mar Diop Stadium sa Dakar.

Kapwa nagtala sina Wangkay at Farrell ng 21.36 segundo, ngunit nanaig ang photo-finish time ni Farrell na .355 laban sa .359 ni Wangkay sa lamang na 0.004 segundo.

“I never expected to win a medal because the times were very close, so I’m okay to get the third,” pahayag ni Wangkay, na nagtala ng 21.96 segundo sa semifinals.

Naiuwi naman ng teammate ni Wangkay na si Naomi Marjorie Cesar ang silver medal sa women’s 800m final nitong Martes.

Mayroon nang tatlong medalya ang Pilipinas sa YOG, kabilang ang silver medal na napanalunan ni Christian Tio sa men’s IKA twin tip racing event ng kiteboarding noong 2018 sa Buenos Aires, Argentina.

Dalawang araw bago matapos ang kompetisyon, nanatili sa ibabaw ng medal tally ang China taglay ang 16 gold, walong silver at anim na bronze.

Pumapangalawa ang Japan sa 9-8-9 kartada, kasunod ang Russia (8-4-2), Egypt (6-1-5), Ethiopia (5-3-0), Senegal (5-0-5), France (4-5-4) at Kenya (4-2-0).

May tig-tatlong gintong naman ang South Africa, Croatia, Ukraine, Azerbaijan at Nigeria.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles