Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gobyerno maghihigpit vs cyberattacks

Pininal ng National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC) ang mga hakbang para labanan ang cyberattacks, pekeng government websites at mga operasyong naglalayong magpakalat ng maling impormasyon laban sa mga institusyon ng pamahalaan.

Sa ilalim ng bagong resolusyon, pahihintulutan ang patuloy na pagpapatupad ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) Disruption Playbook para matukoy, mapigilan at matugunan ang cyber at cognitive threats.

Kabilang sa mga hakbang ang pagpapalakas ng seguridad ng government websites, pagsusuri sa mga posibleng system breach at pagpapatanggal ng mga pekeng website na nagpapanggap na opisyal na government platforms.

Pabibilisin din ang pag-uulat ng cyber incidents at magtatalaga ng mga opisyal sa bawat ahensya na mangangasiwa sa breach notifications.

Kasama rin ang koordinasyon laban sa misleading information at information operations, pati ang pagsusuri kung sumusunod ang mga ahensya sa cybersecurity requirements.

“Cybersecurity is a shared responsibility. No single agency can address these threats alone,” ani Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Robert Joseph de Claro.

Tinalakay ng NCIAC sa pagpupulong nitong Martes ang mga kahinaan sa digital infrastructure ng gobyerno at mga hakbang para maprotektahan ang mga ito.

Pinaalalahanan naman ng DICT ang publiko na huwag basta mag-click ng kahina-hinalang links, tiyaking lehitimo ang mga website bago magbigay ng personal na impormasyon at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong balita.

Hinikayat din ang publiko na agad ireport ang mga pinaghihinalaang cybercrime incidents sa mga kaukulang awtoridad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles