Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dennis Trillo, muling hinangaan ng netizen

Muling pinuri at hinangaan ng netizen ang award-winning actor na si Dennis Trillo, matapos nitong muling ipagtanggol ang asawang si Jennylyn Mercado.

Pinag-uusapan ngayon ang matapang na pag-call out ng aktor sa party company supplier na PARTY MAGIC na ginamit ang mga lumang newspaper clipping kung saan na-headline ang pagiging “abused victim” ng batang Jennylyn.

Sa kanyang FB post ay diretsong pinagsabihan ni Dennis ang naturang supplier na tila hindi naging maingat sa paggamit ng naturang mga imahe kung saan ang nasabing childhood photo ni Jennylyn ay nabalita noon (at frontpage pa)  bilang pinagmamalupitan ng amain nito.

“Party Magic, bakit niyo naman napiling gamitin ito mismong kopya ng tabloid na ito? Sa theme ng children’s party pa ha? Paki paliwanag please…” ang mahahalatang galit na pahayag ni Dennis.

“Sa mga hindi nakaka alam, yung naka headline na batang binugbog ay yung asawa ko. Tama ba naman na yun pa ang ilagay niyo?” ang tila gigil na gigil na pagtatanong ni Dennis sa naturang FB post niya.

Ayon pa sa mahusay na aktor, nag-reach out sila sa naturang kumpanya by calling at sending messages pero wala daw silang nakuhang sagot o paliwanag.

Kaya sa kanyang FB post ay sinabi nitong, “Hindi ko lang mapigilang mag-react dito, tutal ayaw niyo sumagot sa tawag ko, sige dito tayo mag-usap.”

Nang mag-viral ang naturang FB post ni Dennis at naibalita na din sa mainstream media gaya ng TV at radio, biglang naglabas ng kanilang official statement ang Party Magic.

Inako nito ng kanilang pagkakamali at humingi sila ng tawad sa mag-asawa lalo na kay Jennylyn.

Subalit biglang may twist sa kuwento dahil may mga netizen naman na nagkakalkal na regular umanong kliyente ng Party Magic ang pamilya ni Cheska at Doug Kramer.

Sa pag-wan-plus-wan ng mga malilikot nilang isipan, ay may mga nag-kunek na baka daw may kinalaman sina Cheska at Doug sa tila pagganti ng mga ito sa naging sigalot ng kanilang mga pamilya kina Dennis at Jen.

Wala pang reaksyon sina Dennis at Jen sa official statement na inilabas ng Party Magic at sa sinasabing posibleng kaugnayan umano nina Cheska sa usapin. 

Meanwhile, lahat naman ay nagsasabing napaka-suwerte ni Jennylyn sa pagkakaroon ng isang Dennis Trillo.

Hindi lang daw ito very good provider at ama ng mga anak nila kundi isang matapang at sobrang maalagang asawa sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles