Tinapos na ng Converge ang quarterfinals laban sa Rain or Shine nang magwagi sa Game 4 nitong Martes, 120-109, sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Makakaharap ng Converge ang NLEX sa Final Four.
Samantala, umasa ang San Miguel Beer kina George King at Chris Ross upang makuha ang panalo, 108-102, at mapuwersa ang deciding Game 5.
Bumandera ang Beermen sa pamamagitan ng 22-0 run na naging bahagi ng kanilang dominasyon sa third quarter, 46-18, upang makabawi mula sa 44-61 pagkakaiwan at tuluyang maagaw ang kalamangan.
Umiskor si King ng 18 sa kanyang game-high na 35 puntos, habang nagdagdag naman si Ross ng 13 sa kanyang kabuuang 20 puntos sa third period.
Nang magsagawa rin ng sariling paghabol ang Gin Kings mula sa 75-94 upang ilapit ang iskor sa 102-105, nagpakawala sina King at Ross ng free throws sa huling 21 segundo upang tuluyang selyuhan ang panalo.
Nakatakda ang Game 5 sa Ynares Center-Antipolo sa Martes para sa karapatang makaharap ang defending champion TNT sa semifinals.
“We haven’t done nothing yet, we just evened the series,” ani Ross sa post-match interview. “They won two straight we won two straight. We’re on to a decider. That’s usually how it goes when we play Ginebra. When we play Ginebra we go to a Game 6 or 7. We’re excited to play in the next game.”
Pinuri naman ni coach Leo Austria si Ross, na nagtala lamang ng average na 2.7 puntos sa serye bago ang laban.
“We all know that Chris Ross during the playoffs is a different animal, eh, makikita natin iyon,” pahayag ni Austria.
“He’s really focused on this game and I’m so happy he delivered a lot, especially in the time na we’re trying to . . . mahabol namin sila. He’s the key, he’s the leader of the team and he knows what to do.”
Nagkaroon din ng pagbabago sa papel ng mga manlalaro sa Ginebra, kung saan si Scottie Thompson naman ang nanguna sa pamamagitan ng 27 puntos at 11 rebounds matapos mapigilan si Jordan Murphy sa mas mababa sa 20 puntos sa ikalawang sunod na laro.
Nakapagtala si Murphy ng 22 rebounds, ngunit dalawang puntos lamang ang naidagdag niya sa natitirang bahagi ng laro matapos bigyan ang Gin Kings ng 61-44 kalamangan sa unang bahagi ng third period.
Nagtala rin ng mas mababang numero kaysa sa kanyang average bago ang laro si RJ Abarrientos. Matapos mag-average ng 19.7 puntos kada laro sa unang tatlong laban, napigilan siya sa pitong puntos lamang mula sa 2-of-13 shooting sa field.
The scores:
First Game
SMB 108 – King 35, Ross 20, Perez 14, Trollano 11, Fajardo 8, Lassiter 7, Cruz 7, Ahanmisi 6, Brondial 0.
GINEBRA 102 – Thompson 27, Murphy 16, Rosario 15, Go 13, Cu 11, Abarrientos 7, Pinto 4, Gray 4, Holt 3, J.Aguilar 2, Torres 0, Estil 0.
Quarters: 26-26; 41-55; 87-73; 108-102
Second Game
CONVERGE 120 – Clark 32, Williams 17, Arana 16, Stockton 14, Gomez de Liano 13, Abueva 11, Baltazar 9, Policarpio 5, Garcia 2, Tungcab 1, Santos 0, Concepcion 0.
RAIN OR SHINE 109 – Fuller 23, Clarito 18, Tiongson 14, Lemetti 13, Malonzo 13, Villegas 11, Nocum 10, Cuajao 5, Caracut 2, Manaytay 0.
Quarters: 39-27; 62-60; 89-87; 120-109


