Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Aray mo! Meralco taas-singil ng 49 sentimo kada kWh, P98 dagdag sa 200 kWh

Dagdag na P98 sa November bill ang babayaran ng pamilyang kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour (kWh) matapos itaas ng Manila Electric Company (Meralco) ang singil ng halos 49 sentimo kada kWh. Umakyat ang singil sa P15.5510 kada kWh mula P15.0615 noong October.

Pinakamalaki ang itinaas ng generation charge, o ang sinisingil para sa kuryenteng binibili ng Meralco sa mga supplier. Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nadagdagan ito ng P0.4344 kada kWh dahil humina ang piso kontra dolyar at nagmahal ang panggatong ng mga planta sa gitna ng krisis sa Middle East.

Kada kWh, nadagdagan din ng P0.0080 ang singil ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), P0.0096 ang singil sa distribusyon at P0.2108 ang buwis at iba pang singil.

Ayon kay Zaldarriaga, tuloy ang dalawang naunang refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC), na may kabuuang halagang P1 kada kWh. Kasama na rin sa singil ngayong November ang bagong refund na P0.1733 kada kWh para sa mga bahay. Tatagal ito nang anim na buwan.

Paalala ng Meralco sa mga may hindi pa bayad na bill mula May hanggang July, hanggang November 26 ang palugit para bayaran ang balanse at mga hulog na dapat nang bayaran. Para sa mga bill mula August hanggang October, December 26 ang takdang petsa ng pagbabayad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles