Kabanata 80: Mga matang nakatingin
Hindi agad bumaba si Christian.
Nasa loob lang siya ng sedan, bahagyang nakayuko, kunwari may tinitingnan sa cellphone.
Pero ang mata niya—
Nasa lalaki sa tapat ng bakery.
Naka-cap.
Naka-gray hoodie kahit mainit.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
“Christian,” boses ni Monching sa earpiece. “Clock him.”
Bahagyang sumulyap si Christian sa rearview mirror.
“Late twenties,” mahina niyang sagot. “Hindi taga-rito.”
“Bakit?”
“Walang ginagawa.”
Tahimik.
Sa Tatalon, lahat may ginagawa.
May nagtitinda.
May nakikipagkwentuhan.
May nakatambay.
Pero ang lalaking iyon—
Nakatayo lang.
Nakatingin.
Sa bakery.
Sa tindahan ni Nicole.
“May second visual,” sabi ng isa nilang watcher mula sa kabilang kanto.
Nanlamig si Christian.
“Saan?”
“Blue multicab. Two males inside. Engine running.”
Dahan-dahang napahigpit ang hawak ni Christian sa cellphone.
Hindi na coincidence.
“Pa…”
Tahimik si Monching sa kabilang linya.
Pagkatapos—
“Pattern.”
Iyon lang.
Pero sapat na.
Alam na nila.
Surveillance.
—
Sa loob ng bakery, nakita ni Christian si Nicole.
Abala.
May inaayos na tray ng pandesal.
Normal.
Walang ideya.
At doon—
Mas lalo siyang kinabahan.
“Christian,” sabi ni Monching. “We move soft.”
Tumango si Christian kahit hindi siya nakikita.
“Copy.”
Mabagal siyang bumaba ng sasakyan.
Normal ang lakad.
Hindi nagmamadali.
Hindi alerto ang mukha.
Pero bawat galaw niya, calculated.
Sa kabilang side ng kalsada, gumalaw nang bahagya yung lalaking naka-cap.
Napansin siya.
Hindi tumingin direkta.
Pero napansin siya.
Nagpatuloy lang si Christian sa paglalakad.
Tumawid.
Pumasok sa bakery.
Pagpasok pa lang—
Napalingon agad si Nicole.
“Christian?”
Bahagya siyang nagulat.
“Anong ginagawa mo dito?”
Napangiti si Christian.
Pilít.
“Namiss ko pandesal niyo.”
Napatawa si Nicole.
“Sinungaling.”
Lumapit siya sa counter.
“Wala si Jiro?”
Bahagyang tumigil si Christian.
Mabilis lang.
Pero sapat para mapansin ni Nicole.
“Busy pa sa US,” sagot niya.
Tahimik si Nicole sandali.
Ngumiti.
“Grabe no? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”
Napatingin si Christian sa labas ng bakery.
Nandoon pa rin yung lalaki.
Hindi gumagalaw.
Pero ngayon—
May hawak nang cellphone.
“Nicole,” sabi ni Christian, mas mababa ang boses.
Napakunot ang noo ni Nicole.
“Bakit?”
“Kailangan mong sumama muna sa amin.”
Natigilan si Nicole.
“Ano?”
“Now.”
Hindi na ngumiti si Christian.
At doon—
Naramdaman ni Nicole.
May mali.
—
Sa kabilang sasakyan, tahimik na minamasdan ni Monching ang paligid.
May isa na naman.
Naka-black jacket.
Kunwaring bumibili ng yosi sa tindahan sa kanto.
Pero tatlong beses nang sumulyap sa bakery.
“Third visual confirmed,” sabi niya sa radyo.
“Possible rotating surveillance.”
Maya-maya—
Umilaw ang cellphone niya.
Unknown encrypted ping.
Tinanggap niya agad.
Isang litrato ang dumating.
Kinuha mula sa CCTV feed sa kabilang street.
Nanlamig ang dugo niya.
May lalaki sa likod ng blue multicab.
At hawak nito—
Larawan ni Jiro.
Yung kuha sa welcome dinner.
“Shit.”
Napatingin siya agad sa bakery.
“Christian,” mabilis niyang sabi sa earpiece.
“Pull her out NOW.”
At sa parehong sandali—
Biglang umandar ang blue multicab.
Diretso.
Papunta sa bakery.
Nanlaki ang mata ni Christian.
“Nicole!”
Hindi pa nakakapag-react si Nicole nang bigla siyang hilahin ni Christian pababa sa likod ng counter.
Kasabay noon—
SKREEEECH!
Huminto ang multicab sa tapat ng bakery.
Bumukas agad ang pinto.
Tatlong lalaki.
Mabilis bumaba.
At sa gitna ng Tatalon—
Nagsimula na ang pangangaso. /Itutuloy sa susunod na kabanata


