♈ Aries (March 21 to April 20): May pride kang gustong manguna, pero hindi lahat ng usapan kailangang ikaw ang masusunod. Kapag sinabayan mo ang tapang ng empathy, mas gaganda ang desisyon mo. Sa love, huwag hintaying tanungin ka pa. Sabihin mo na ang totoo bago pa maging issue.
♉ Taurus (April 21 to May 21): Mainit ang emosyon mo ngayon, lalo sa selos, trust, at attraction. Huwag magdesisyon habang nag-aapoy ang ulo. Kung taken ka, siguraduhin munang alam mo ang buong kuwento. Kung single ka, huwag puro physical pull. Hanapin ang taong may emotional trust din.
♊ Gemini (May 22 to June 21): Lumalaki ang ambisyon mo, pero kailangan itong tumugma sa buhay na gusto mo, hindi sa inaasahan ng iba. Magtanong pa, salain ang sagot, at huwag matakot magbago ng ruta. May kilig sa lugar kung saan fashion at porma ang bida.
♋ Cancer (June 22 to July 22): May group decision na hindi na tugma sa personal goal mo. Pwede kang humiwalay nang hindi nagiging kontrabida. May tahimik na lakas ka ngayon para lampasan ang harang. Sa love, malakas ang glow mo. May “R” attraction na lalong umiinit.
♌ Leo (July 23 to August 23): Bilis ng reply, biglang tanong, at unexpected na social contact ang vibe ng araw mo. Mas malaya ka ngayon emotionally, kaya mas malinaw kung ano ang gusto ng puso at katawan. Ang swerte, nasa lugar kung saan may mga sombrerong nakasabit.
♍ Virgo (August 24 to September 22): Pwede kang mag-risk sa pera kung pinag-aralan mo talaga ang detalye, pero huwag mandamay ng iba. Solo move muna. Matalas ang mata mo sa bargain ngayon, pero sa friendship, huwag basehan ang itsura ng effort. Damhin kung sino ang tunay. Love is quiet, kind, pero may biglang tama.
♎ Libra (September 23 to October 23): Hindi ideya ang kulang sa’yo, sobra pa nga. Ang problema, saan mo sisimulan. Huwag solohin ang vision. May taong pwedeng tumulong para mas mabilis kayong umabante. Sa passion, adventurous ang araw mo: pwede kang humabol, pero pwede ka ring habulin.
♏ Scorpio (October 24 to November 22): Hindi na uubra ang pag-iwas sa mahirap na topic. May tanong na kailangan mong sagutin o ikaw mismo ang magbukas. Kapag naging upfront ka, bigyan mo rin ng oras ang iba para maka-adjust. Single? May taong nag-transform sa fitness o fashion ang pwedeng tumama sa’yo.
♐ Sagittarius (November 23 to December 21): May regalo, tulong, o emotional closeness na darating kung hindi ka magdadamot. Pero bantayan ang impulse buying. Mag-set ng limit bago gumastos, o magpasama sa taong hindi takaw-budol. Sa love, lumalambot ang lumang harang at mas nagiging intimate ang usapan.
♑ Capricorn (December 22 to January 20): May salitang paulit-ulit mo nang narinig pero ngayon lang tatama nang malalim. Dito pwedeng lumitaw ang career option o passion clue na matagal nang nasa harap mo. Sa goals, huwag lang practical. Payagan mong maging emotionally ambitious din.
♒ Aquarius (January 21 to February 18): Hindi nawawala ang ambition dahil tahimik mo itong tinatago. Lalo lang itong lumalakas. Kapag may chance magkuwento tungkol sa future mo, kunin mo. May surprising suggestion na pwedeng magbukas ng pinto. Sa love, grounded ka pero ready to go for it, lalo kung may spicy Leo o “S” store clue.
♓ Pisces (February 19 to March 20): May personal choice na akala mo settled na pero biglang gumagalaw ulit. Huwag matakot. Baka ito ang tanong na kailangan mong sagutin para malaman kung sino at ano talaga ang bagay sa’yo. Single? May fitness fan na may law connection na pwedeng maging charming challenger.


