Kabanata 72: Corridor
PUM! PUM! PUM!
Umalingawngaw ang putukan sa makitid na steel corridor.
Nagliparan ang mga spark mula sa tama ng bala sa bakal na dingding. Kumapal ang amoy ng pulbura.
“MOVE THEM!” sigaw ni Vega habang nagpapaputok.
Dalawang tactical officers agad humarang kina Claire, Esther, at Jiro.
“Go! Go!”
Pero hindi makagalaw si Jiro.
Nakatitig siya sa unahan.
Sa dilim ng corridor.
May mga anino.
Mabilis.
Armado.
“Pa!” sigaw niya.
Nasa harap si Ariel.
Nakayuko. Hawak ang pistol na parang matagal na niyang parte ng katawan.
Kalma.
Masyadong kalma.
PUM!
Tumama ang bala sa balikat ng isang attacker.
Bumagsak.
Kasunod agad—
PUM! PUM!
Dalawang putok.
Dalawang katawan ang tumama sa dingding.
Nanlaki ang mata ni Jiro.
“Pa… marunong ka…”
Hindi na niya natapos.
Walang oras.
“MOVE!” sigaw ulit ni Ariel.
Hinila agad ni Claire si Jiro.
Tumakbo sila pababa sa corridor.
Sa likod nila—
Patuloy ang putukan.
Mas malapit.
Mas mabilis.
Biglang nag-red ang isang steel door sa harap nila.
ACCESS DENIED.
“Shit!” mura ng tactical lead.
“We lost Door Seven!”
“Manual override!” sigaw ni Vega sa comms.
“Three seconds!”
Sa likod—
May sumabog.
BOOM!
Niyanig ang corridor.
Napahawak si Esther sa dingding.
“Diyos ko!”
Bumagsak ang alikabok mula kisame.
At mula sa usok—
May lumabas na lalaki.
Naka-black tactical gear.
May silver emblem sa dibdib.
Brennan.
Nakita agad siya ni Ariel.
PUM!
Nagpalitan sila ng putok.
Sunod-sunod.
Mabilis.
Hindi makagalaw si Jiro sa takot.
Parang bumagal ang lahat.
Nakikita niya ang pagtilapon ng bala.
Naririnig ang hinga niya.
At sa gitna ng kaguluhan—
Biglang may humawak sa kanya.
Si Ariel.
“Look at me,” sabi nito.
Diretso ang tingin.
“Huwag kang matulala.”
Humihingal si Jiro.
“Pa…”
“You stay alive. Naiintindihan mo?”
Tumango si Jiro.
Mabilis.
Takot.
Pero buo.
Biglang—
CLICK.
Bumukas ang steel door sa harap.
“MOVE MOVE MOVE!”
Mabilis silang pumasok.
Pagkapasok—
Isang underground loading bay.
May armored vehicles.
May ilaw na puti.
May mga security na naghihintay.
“Vehicle ready!”
“Get the family inside!”
Tumakbo sila papunta sa pinakamalaking armored SUV.
Pero bago makarating—
PUM!
Tumama ang bala sa semento malapit kay Claire.
Napasinghap siya.
“MA!”
Hinila siya ni Jiro pababa.
Kasunod agad—
PUM! PUM! PUM!
Sunod-sunod na putok mula sa catwalk sa itaas.
“SNIPER!”
Nagkagulo ulit.
Nagbagsakan ang mga tao sa sahig.
Tinulak ni Ariel sina Claire at Jiro sa likod ng sasakyan.
“Stay there!”
Mabilis siyang sumilip.
At doon—
Nakita niya.
Sa itaas ng catwalk.
Nakatayo.
Kalma.
Parang nanonood lang.
Si Adrian Brennan.
Walang baril.
Walang armor.
Nakatingin lang.
At nakangiti.
“Still protecting people who die around you?” sigaw niya mula sa taas.
Tumigas ang mukha ni Ariel.
“ADRIAN!”
Ngumiti si Adrian.
Mabagal.
Malamig.
“At least this time,” dagdag niya, tumingin kay Jiro, “you get to watch.”
Nanlamig ang buong katawan ni Jiro.
At sa isang iglap—
Biglang bumunot ng detonator si Adrian Brennan.
Nanlaki ang mata ni Vega.
“EVERYBODY DOWN!”
CLICK.
BOOOOOOM!
Sumabog ang buong loading bay. /Itutuloy sa susunod na kabanata


