Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

WALANG EXTENSION! Rehistro ng partido, party-list hanggang December 18 lang

Hanggang December 18, 2026 lamang ang paghahain ng petisyon para iparehistro ang mga partidong politikal at party-list group na balak sumali sa May 2028 national at local elections, paalala ng Commission on Elections (Comelec).

“There will be no extensions. December 18 is the final day for registration,” diin ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco nitong Martes.

Pinayuhan niya ang mga grupo na ihanda ang kumpletong dokumento at huwag nang hintayin ang huling araw bago maghain.

Tumatanggap ng mga petisyon tuwing Martes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa personal o electronic filing.

Para sa personal na paghahain, magsumite sa Office of the Clerk of the Commission (OCOC) sa Palacio del Gobernador Building, Intramuros, Manila.

Kailangan ang apat na hard copy ng petisyon kasama ang kumpletong annexes, isang PDF copy sa read-only flash drive at patunay ng pagbabayad ng kinakailangang fees.

Para sa electronic filing, ipadala ang petisyon na nasa PDF format sa clerkofthecommission@comelec.gov.ph.

Sa loob ng dalawang araw, kailangan ding isumite ang apat na hard copy na may kumpletong annexes at patunay ng pagbabayad. Gamitin ang pinakamabilis na paraan, kabilang ang personal na paghahain, registered mail o courier.

Babala ng Comelec, hindi ilalagay sa docket at agad ibabasura ang mga petisyong hindi sumusunod sa mga itinakdang patakaran. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles