Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 cold storage sa Ilocos Sur, pinagana ng DA

Pinagana ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong modular cold storage facility sa Ilocos Sur at binuksan ang rehistrasyon para sa fuel assistance ng mga agricultural trucker noong November 20.

Layunin ng mga pasilidad na mapatagal ang pag-iimbak ng ani, mabawasan ang pagkasira ng mga produkto at mabigyan ang mga magsasaka ng mas maraming pagpipilian kung kailan at saan magbebenta.

“Mahalaga ang pagtatayo ng mga pasilidad pagkatapos ng anihan upang matiyak ang katatagan ng suplay at presyo ng pagkain,” ani Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Ayon sa kalihim, makatutulong ang sapat na imbakan upang maprotektahan ang kita ng mga magsasaka at mapangasiwaan nang maayos ang pagdadala ng kanilang ani sa pamilihan.

Ang fuel assistance naman ay para maibsan ang gastos ng mga trucker sa paghahatid ng mga produktong agrikultural sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo.

“Kasabay nito, kailangan nating tiyakin na magpapatuloy ang maayos na operasyon ng sistema ng transportasyon ng mga produktong agrikultural sa kabila ng pagtaas ng presyo ng krudo at iba pang gastusin upang patuloy na makarating sa mga mamimili ang pagkain sa makatuwirang presyo,” dagdag ni Tiu Laurel. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles