Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

AI tools, ilalarga ng DepEd sa mga eskwelahan nationwide

Ilalarga ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa sa 2027 ang AI tool para sa maagang pagtukoy ng posibleng problema sa komunikasyon at pag-aaral ng Grade 2 learners.

Gamit ang SABAY o Screening using AI-Based Assistance for Young Children, kayang magsagawa ng guro ng screening sa loob ng 14.5 minuto bawat bata, kumpara sa hanggang dalawang oras gamit ang kasalukuyang mga kagamitan, ayon sa DepEd.

Gumagamit ito ng maiikling speech activity at nasubukan na sa 10 paaralan sa limang rehiyon.

Palalawakin din sa 300 paaralan sa susunod na taon ang TALAAN, isang early warning system para matukoy ang mga estudyanteng nanganganib huminto sa pag-aaral. Binuo ito kasama ang humigit-kumulang 120 guro at school head mula sa tatlong paaralan sa Las Piñas.

Kabilang ang dalawang sistema sa mga proyekto ng Education Center for AI Research (ECAIR) ng DepEd.

Gumagana na rin ang LIGTAS+, na gumagamit ng datos mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), Phivolcs at global AI weather models para tukuyin ang mga panganib sa bawat paaralan.

Mula nang ilunsad noong August, umabot na ito sa mahigit 57,000 gumagamit at nakatulong sa paggawa ng mahigit 6,000 situation report.

May iba pang tools para suriin ang mga litrato ng school construction sites, nutrisyon ng mga estudyante at pagtutugma ng mga donor sa nangangailangang paaralan. Nagsanay din ang ECAIR ng 52 kawani ng DepEd at TESDA para gumawa ng sariling AI tools.

“Dito sa DepEd ang paniwala natin, ang ating paninindigan ay technology must empower people, and not replace them,” ani Education Secretary Sonny Angara. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles