Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Old, ugly, filthy’ sa Messenger, P50K multa pinagtibay ng CA

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang P50,000 multa sa isang Ashlyn Akian matapos siyang mahatulang guilty sa cyber libel dahil sa mapanirang mga mensahe sa Facebook Messenger.

Tinawag niya ang nagreklamo na matanda, pangit, marumi at kabilang sa grupo ng mga kabit sa mga mensaheng ipinadala sa kanilang common friend. Nadiskubre ang mga ito nang hiramin ng nagreklamo ang telepono ng kaibigan.

Iginiit ni Akian na pribado ang usapan at ibang tao ang tinutukoy niya. Hindi ito kinatigan ng CA.

Ayon sa korte, limitado ang inaasahang privacy laban sa mismong recipient na kusang binigyan ng access sa mensahe. Gayunman, hindi awtomatikong nawawala ang lahat ng proteksiyon nito kapag naipadala.

“This does not mean that every private message loses all protection from the moment it is transmitted,” paglilinaw ng CA.

Bukod sa pagpapatibay sa hatol ng Baguio Regional Trial Court Branch 59, isinama ng CA ang subsidiary imprisonment sakaling hindi mabayaran ang multa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles