Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

FIFA, nagbigay ng P1.2-billion tulong para ipaayos ang Rizal Memorial pitch

Nagkaloob ang international football governing body na FIFA (Fédération Internationale de Football Association) ng USD20 milyon (humigit-kumulang PHP1.28 bilyon) sa Pilipinas para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng football field ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila.

Pormal na napagtibay ang naturang grant sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement na nasaksihan ni Executive Secretary Ralph Recto nitong Linggo.

Dumalo sa seremonya ng paglagda na ginanap sa tanggapan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Malate sina FIFA president Gianni Infantino, Philippine Football Federation (PFF) president John Gutierrez, PSC Chair Patrick Gregorio, dating PFF chief at FIFA Board member Nonong Araneta, gayundin ang iba pang opisyal ng PFF at ASEAN Football Federation.

Gagawing eksklusibo para sa football ang playing field ng RMSC, habang aalisin naman ang athletic oval.

Ililipat ang mga athletics venue sa PhilSports Complex sa Pasig.

Ayon kay Gregorio, matitiyak ng paghihiwalay ng operasyon ng RMSC at PhilSports na kapwa makapagdaraos ang dalawang pasilidad ng mga world-class na kompetisyon.

“Kailangan gawin natin world-class ‘yung football. Gawin rin natin world-class ‘yung track. ‘Pag magkasama, parehong hindi world-class ‘yan,” aniya.

“The PSC Board has approved the total renovation of the track and field in PhilSports.”

Inaprubahan na rin ng Philippine Athletics Track and Field Association at Asian Athletics ang rehabilitasyon ng PhilSports Complex.

Nakatakdang simulan sa Enero 2027 ang pagsasaayos ng football field sa RMSC, na inaasahang matatapos sa loob ng 15 buwan.

Kapag natapos ang proyekto, magkakaroon ang pasilidad ng kapasidad na tumanggap ng hanggang 25,000 manonood.

“For 92 years, Rizal Memorial has been the home of Philippine football and a mecca of Philippine sports. Now, a new chapter begins for our players, our fans, and the next generation of Filipino footballers,” ayon sa pahayag ng PFF.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles