Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Trabaho, pagkain at enerhiya tutok sa pulong nina Marcos, Lula

Dagdag na trabaho, pamumuhunan at mas matatag na suplay ng pagkain at enerhiya ang hangad ng Pilipinas sa pagpapalakas ng ugnayan nito sa Brazil.

Tinalakay ito nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva sa state visit ng lider ng Brazil, kasabay ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Saklaw ng pagtutulungan ang renewable energy, biofuels, paghahayupan, makabagong pagsasaka, edukasyon, agham at teknolohiya, at pagpapatupad ng batas.

Hinangad din ng Pilipinas ang teknolohiya at kaalaman ng Brazil sa agrikultura bilang paghahanda sa super El Niño at iba pang epekto ng climate change.

Pinag-usapan din ang posibleng pananaliksik at magkatuwang na produksiyon sa industriyang pandepensa. Sinundan ang pulong ng presentasyon ng mga nilagdaang kasunduan.

Inimbitahan ni Lula si Marcos na bumisita sa Brazil kasama ang delegasyon ng mga negosyante para palawakin ang kalakalan at pamumuhunan.

Kabilang sa mga iniluluwas ng Pilipinas sa Brazil ang electronics, computer components, desiccated coconut at carrageenan.

“We have a lot of work ahead of us to ensure that we sustain the momentum of our bilateral relations,” ani Marcos, habang ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang 80 taon ng diplomatikong ugnayan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles