Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mga lider ng mundo, nagsidatingan na sa Maynila para sa ASEAN Summit

Sunod-sunod nang dumating sa Pilipinas ang mga lider at matataas na opisyal ng iba’t ibang bansa noong Sabado, November 14, para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Kabilang sa mga dumating sina Australian Prime Minister Anthony Albanese, Canadian Prime Minister Mark Carney at Cambodian Deputy Prime Minister Hang Chuon Naron.

Dumating din sina Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, Lao Prime Minister Saleumxay Kommasith, Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmão, kasama si United Nations Secretary-General António Guterres.

Pagsapit ng gabi, nasa bansa na rin sina Indonesian President Prabowo Subianto, Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Sinalubong ni Education Secretary Sonny Angara si Subianto. Sina Justice Secretary Fredderick Vida at Interior Secretary Jonvic Remulla naman ang tumanggap kina Anutin at Anwar, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang dumating noong Biyernes si Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva para sa isang state visit. Dadalo rin siya sa plenaryo ng summit bilang panauhin ng Pilipinas.

Hindi bababa sa 19 na lider ng mga bansa at pandaigdigang institusyon ang kumpirmadong dadalo, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Pamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtitipon, na pormal na magbubukas sa Philippine International Convention Center sa Pasay City sa Linggo, November 15.

Kabilang sa mahahalagang usapin ang seguridad sa rehiyon, krisis sa Myanmar, South China Sea at pagpapalakas ng kalakalan at ugnayang pang-ekonomiya.

Susundan ang plenaryo at retreat ng mga pulong ng ASEAN kasama ang mga katuwang nitong bansa at organisasyon. Nakatakda rin ang pakikipagpulong ng mga lider sa mga mambabatas, sektor ng negosyo at kabataan.

Sa November 17, pormal na ipapasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa ASEAN. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles