♈ ARIES (March 21–April 19) – Mas logical ka ngayon, pero baka magmukha kang distant kahit hindi iyon ang intensyon mo. Pairalin ang patience at huwag dominahin ang usapan. Puwede kang maging direct nang hindi cold.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Gusto mong magpahinga, pero nakakaramdam ka ng guilt kapag hindi productive. Ang sobrang trabaho ay mauuwi sa burnout, habang ang buong araw na walang ginagawa ay hindi rin makatutulong. Isang task muna bago ang susunod.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Bumalik na ang mental energy mo at gusto mong mag-enjoy, pero naaalala mo ang responsibilities na kailangang tapusin. Tapusin muna ang kahit isang item sa to-do list bago mag-relax. Kailangan mo lang hanapin ang tamang balance.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Kailangan mong magtakda ng boundaries sa oras mo. Gusto mong mapag-isa sa bahay, pero merong taong umaasang makakasama ka. Pagbigyan siya kahit sandali, lalo na kung naging tense ang relasyon ninyo nitong mga nakaraang linggo.
♌ LEO (July 23–August 22) – Pakiramdam mo wala kang control sa buhay, pero magandang araw ito para habulin ang life admin. Gusto mo ring lumabas at magsaya, kaya pagsabayin ang dalawa. Gawing social ang pag-oorganize para hindi mabigat ang routine tasks.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Mas generous ka sa paggastos ngayon, pero pinipigilan ka ng Capricorn Moon sa frivolous spending. Hindi mo kailangang gumastos para mag-enjoy. Isang libreng activity na nagbibigay ng saya ang mas fulfilling kaysa isa pang treat.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Pinagtibay ng nakaraang retrograde season ang boundaries mo at ang pagtuon sa sarili. Ngayon, isang tao o usapin sa bahay ang gustong maging priority. Huwag kalimutan ang mga natutuhan mo. Unahin ang sarili mong pangangailangan.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Marami kang errands, pero mas gusto mong manatili sa kama. Walang masama sa paminsan-minsang bedrot, kaya huwag makonsensiya sa pahinga. Piliin lamang ang essential tasks at unahin ang pinakamahalaga.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Posibleng tanggihan mo ang isang imbitasyon dahil mas maingat ka sa gastos. Baka pilitin ka ng iba na magbago ng isip, pero piliin lamang ang komportable para sa iyo. Mauunawaan iyon ng tunay na kaibigan.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Napupunta sa work ang isip mo, pero mas sensitive ka ngayon at kulang sa pahinga. Lalo kang ma-stress kapag sumobra ang pag-iisip tungkol sa trabaho. Huminto muna at magpahinga.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Gusto mong sumubok ng bagong experience, pero mabilis maubos ang energy kapag naparami ang activity. Mas fulfilling ngayon ang deep conversation, focused research o low-effort hobby kaysa paglabas para mag-explore.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Karaniwan, bukas ka sa malalalim na iniisip mo, pero hindi ito ang araw para ibuhos lahat. Mas mapili ka ngayon sa taong itinuturing mong tunay na kaibigan. Hayaan munang ipakita ng iba kung sino sila bago magbahagi ng personal na detalye. Light conversation lang muna.


